00:00Ang Senate Secretary na itinaga ni Sen. Wynne Gatchalian
00:03ang inaabutan na ng mga liham ng Kamara,
00:07bilang pagkilala sa kanya, bilang leader ng Senado.
00:10Inalmahan po yan ni Sen. Alan Peter Cayetano.
00:13Nakatutok si Jonathan Andal.
00:17Ano mang kailangang ipadala ng Kamara sa Senado,
00:20ipinadala nila sa Senate Secretary.
00:22Kanina kator ni Renato Bantog na iniabot ng House Prosecution Panel
00:26ang manifestation nila na hindi na magkukumento
00:28sa tugon ni Vice President Sara Duterte sa Articles of Impeachment.
00:32Si Bantog kasi ang itinalagang Senate Secretary ng Paksyon ni Sen. Wynne Gatchalian
00:36na siya nang kinikilala ng Kamara na leader ng Senado.
00:39Kay Bantog na rin ibinigay ng Kamara ang sulat tungkol sa paghahanda
00:43para sa State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:46Pero pinalagan niya ni Sen. Alan Peter Cayetano
00:49na patuloy na iginigit na siya pa ang Senate President.
00:53Hindi legitimate si Atty. Bantog.
00:58Sinabi na rin ng House Prosecution Panel na si Gatchalian
01:01ang kinikilala nitong impeachment presiding officer.
01:04Ang giit ng kampo ni Kitano, siya ang Senate President
01:07dahil wala pang labing tatlo ang senador na sumusuporta kay Gatchalian.
01:11Pero kung yan lang ang batayan para maging presiding officer,
01:15nabago na rin yan ayon kay Sen. Chize Escudero.
01:18Nitong June 3 kasi, kasabay ng pagbakante ng 12-member quorum
01:22ng mga posisyon sa Senado, binago rin nila ang impeachment rules.
01:25Kung dati, otomatikong Senate President ang magiging presiding officer,
01:29ngayon pwede nang magbotohan sa kung sino magiging presiding officer,
01:33baliban kung ang lilitisi na isang pangulo.
01:36Parang meron na rin blessing in disguise yun. Bakit?
01:39Kung may issue ngayon sa kung sino ang acting o Senate President
01:43at magbe-preside, pwedeng pagbotohan yun under our rules.
01:46Pero maging yan, illegal umano, ayon kay Cayetano.
01:49They illegally amended the rules. They illegally had a session.
01:55As soon as they have 13, walang problema sila na.
01:58Ayaw rin ni Cayetano na pumayag na si Gatchalian ang pipirma
02:02bilang Senate President para sa sahod ng mga Senate employee.
02:05Alok niya sa pumamagitan ng liham, dalawa na lang silang maging signatory ng payroll.
02:10Nag-offer kami kung gusto ni Sen. Wynn, pareho na lang kami pipirma
02:14kahit walang designation.
02:16Ang sagot nila, mag-turn over na lang.
02:19It was a first step lang kasi sinabi nila open sila.
02:22Ay hindi naman pala sila open.
02:24Sabi ni Gatchalian, siya na rin ang kinikilala ng Civil Service Commission
02:27na dapat lumagda para sa Senado.
02:30Tayo rin rin recognize.
02:32Kamitin ko lang yung union ng Senate at inassure ko sa kanila
02:36na yung kanilang salary, sweldo, bonuses, tuloy yan.
02:42As far as I'm concerned, nag-i-usurp ng authority si Sen. Wynn
02:48because he's not really the acting president.
02:50Jonathan Andal, Nakatutok 24 Oras.
Comments