00:00May bagong team ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na aalalay sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy.
00:08Alamin yan sa report ni Bien Manalo.
00:13Base sa talaan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA,
00:18umabot na sa may git 60,000 violators ang kanilang na-monitor simula ng ipatupad ang NKAPA.
00:25At sa bilang na ito, mahigit 30,000 ang validated o naaprubahan na.
00:30At para mapalakas pa ang NKAPA, bumuo ng bagong team ang MMDA.
00:35Ito ang STAGA o Swift Traffic Action Group na pamumunuan ni dating Task Force Special Operations Chief
00:41at Traffic Education Division Chief ng MMDA na si Bong Nebrija.
00:45Binubuo ito ng nasa isang daang enforcers.
00:48May suot silang body cameras na makatutulong sa pagpapatupad ng batas trapiko.
00:53Ang makukuha na ng body camera ang kanilang magiging ebidensya sa pag-aresto sa mga lalabag sa batas trapiko
00:59na maaring isumite sa Land Transportation Office para sa kaukulang parusa.
01:04Tututukan din nila ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila,
01:08particular na ang mabuhay lanes, lalo na ngayong nalalapit na ang holiday season.
01:12Isusulong nila ang transparency, pag-iingat sa lansangan at disiplina sa mga motorista.
01:18Bibigyang prioridad din nila ang road clearing operations.
01:21Less interaction ng stag kumpara sa strike force na pinamumunuan ni Gabriel Go.
01:26Ang siste, mag-iiwan sila ng form sa mga windshield ng sasakyan na kanilang mahuhuli gaya ng illegal parking.
01:33Hindi rin sila magtutuwing o manghihila ng sasakyan at magkaiba rin ang ruta na kanilang i-ooperate.
01:38Paalala lang po sa lahat po ng mga motorista na lahat po ng mga polisina to,
01:43lalo na po yung pag-create ng swift traffic action group,
01:47hindi po ito para sa pera, para sa kabad ng bayan,
01:51hindi po ito ay nakapuntasyon para sa kaligtasan ng bawat isa sa kalsada.
01:56Sabi naman ng MMDA, nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council tungkol sa guidelines para sa illegal parking
02:04at bilang paghahanda na rin sa inaasahang matinding trapiko, bunsod ng holiday rush.
02:09Naka-ask po kayo na ito mga paparating na panahon ng Pasko,
02:13maglalawas po kami ng mga pulisiya na makakatulong para maibsan po ang daloy ng trapiko.
02:19BN Manalo para sa Pumbansang TV sa Bagong Pilipinas.