00:00Malinaw sa atin ang tumambad na realidad tungkol sa ating mga kabataan ngayon.
00:05Ang kakulangan sa kaalaman at sa kakayahan,
00:09lalo na sa matematika, sa agham, sa pagbabasa at sa wastong pagunawa.
00:16Ang mga nagda-drop out at mga hindi nakakapagtapos sa junior o senior high school,
00:21ang kalahating milyong bata na nagbabana't na nambuto.
00:24Kung tayo ay nagpupundar ng malaki para sa infrastruktura,
00:31mas malaki pa ang ipupundar natin para sa ating mga mamamayan.
00:40Ito ang pangunahing pulisya natin hanggang matapos ang administrasyon.
00:47Puspusan natin inaayos at pinapaganda ang ating sistema ng edukasyon.
00:52Sa lahat ng mga pinahahalagahan ng administrasyon, ito pa rin ang nasa rurok.
01:00Ngayong taon, sinimulan na natin ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL program.
01:08At pinalalakas din...
01:09At pinalalakas din natin ang Early Childhood Care and Development na hango.
01:17Ito ay hango sa dalawang mahahalagang batas na ipinasanin ninyo dito sa Kongreso.
01:28Maraming mag-aaral ang nakakaranas ng bullying o kaya ay nagdi-depress.
01:33Binabantayan din natin ang mental health ng ating kabataan.
01:36Magdadagdag tayo ng mga school counselor na magsisilbing sanggunian at gabay nila.
01:48Naglaan tayo ng isang bilyon para makapagtayo ng mahigit tatlong daang barangay, child development center at bulilit center sa buong bansa.
01:57At ang pinaka-priority ay yung mga nangangailangan na puok na malalayo.
02:07At pauna lamang yan, unti-unti nating tutugunan ang matinding kakulangan sa daycare center na nabimbin mula pa noong 1990.
02:16Sa nakarang tatlong taon, halos 22,000 silid aralan ang nabuksan na.
02:24Hihigitan pa natin ito dahil talagang nakakaawa ang ating mga mag-aaral.
02:30Hindi na natin dapat nabibitin ang oras nila sa klase dahil sa kakulangan ng classroom.
02:38Katuwang ng pribadong sektor, sisikapin natin madadagdagan pa ng 40,000 silid aralan
02:44bago matapos itong administrasyon.
02:52Maglalaan tayo ng sapat na pondo para rito.
02:56Alang-alang sa mga ating mag-aaral,
02:59hihilingin ko ang buong suporta ng ating kongreso.
03:03Naging matagumpay ang isinagawang tutoring at remedial program para sa mga mag-aaral
03:15nitong nakalipas na taon at nitong summer break.
03:18Palalawakin pa natin ito.
03:20At maraming salamat sa mga guru at lalo na sa mga ate at kuya na nag-volunteer
03:28na tinulungan ang mga maliliit para mas maganda ang resulta nila sa kanilang eskwela.
03:34Palalawakin pa natin ito.
Comments