00:00Sa taas ang baha na naranasan ngayon sa Binyan, Laguna, gumagamit na ng bangka at balsa ang ilang residente.
00:07Mula sa Binyan, nakatutok live si Jamie Santos.
00:11Jamie!
00:15Ivan, lubog pa rin sa baha ang isang lugar dito nga sa Barangay de La Paz, Binyan, Laguna.
00:21Nagbabangka na ang mga residente ng Barangay de La Paz sa Almeda Subdivision dahil sa taas ng baha sa kanilang lugar.
00:32Hanggang ngayong linggo, nakakaranas pa rin ang mahina hanggang sa malakas na pagulan dito nga sa Barangay de La Paz, Binyan, Laguna.
00:39Ang ilan nga sa mga residente rito, nagtitiis pa rin sa hanggang tuhod at hanggang hitang baha.
00:44Ang ilan sa kanila sumasakay na sa mga balsa at bangka para hindi lumusong sa baha.
00:48May ilang residente ang nagbalsa para makapagsimba, pero ang ilan, lumusong.
00:54Sobrang hirap po. Kasi po ano, pag may insaya po talaga grabe, napakahirap.
01:01Hanggang sinong sinuunong ba?
01:03Tuhod lang po.
01:04Laking perwisyo para sa mga residente.
01:07Lalo pag may trabaho ka?
01:08Lusong muna, pagpapasok.
01:10Laking perwisyo po kasi lalo na sa mga estudyante, kawawasin.
01:14Kanina, tinulungan ng rescue team ng Barangay de La Paz ang pagdala ng isang kabaong sa balsa para maayos na mailibing.
01:22Mataas na kasi ang baha sa bahay ng pamilya ng namatay kaya di mapasok ng funerarya.
01:27Sinamantala naman ng ilan ang pagbaha para kumita.
01:30Ayon sa pamunuan ng Barangay de La Paz, ikinagulat nila ang taas ng baha sa kanilang lugar ngayon.
01:50Kahit catch basin sila ng tubig mula sa Laguna de Bay at katabing ilog.
01:54Yung ganitong lalim ng baha, ina-expect namin sometime in September or October.
02:01Pero ngayon po, July pala, binigla po kami.
02:08Ivan, sa tingin ng Barangay, napapanahon na raw na magsagawa ng dredging dito nga sa Laguna de Bay
02:13dahil sa paglipas daw ng panahon, pataas ng pataas ang baha sa kanilang lugar.
02:18Ivan, sa mga oras na ito, tumila na yung ulang naranasan dito kanina
02:21pero pabugsu-bugsong nakakaranas ng manakanakang mahina hanggang sa malakas na pagulan dito sa Binyan, Laguna.
02:27At iyan ang latest balik sa iyo, Ivan.
02:30Maraming salamat, Jamie Santos.