00:00Matagumpay ang naging operasyon kay Pope Leo XIV.
00:04Ayon sa Vatican Press Office, tumagal ng isa't kalahating oras
00:07ang pagtanggal sa maliit na nodule sa baga ng Santo Papa.
00:11Sinagawa ito kahapon sa isang ospital sa Rome, Italy.
00:14Sa pagsusuri sa natanggal na tissue,
00:16nakumpirma ang diagnosis na lung adenocarcinoma.
00:20Isang klase po yan ng lung cancer.
00:24Natanggal na yan at magpapahinga ang Santo Papa para tuluyang gumaling.
00:27Una ng sinabi ng Vatican, naaabot ng isang linggo ang recovery ni Pope Leo XIV.
00:33Bago ang operasyon, ilang deboto ang sama-sama nagdasal para sa tagumpay ng operasyon.
00:39Ngayong araw, pangungunahan ni Cardinal Antonio Luis Tagle
00:44ang misa sa St. Peter's Square para sa tuluyang paggaling ng Santo Papa.