00:00Samantala, nagkukumahog na raw ang mga tsuper ng jeep kung paano bubuhayin ang kanita nilang pamilya ngayon.
00:06Napakataas ng presyo ng diesel.
00:08Bukod sa 10 pisong taas pasahe, hiling nila na alisin na ang excise tax at vats sa petrolyo.
00:15Live mula sa Pasig, may unang balita si EJ Gomez. EJ?
00:22Mariz, nagsimula na ang kilos protesta ng ilang mga tsuper dito sa Pasig.
00:28Ay panawagan nila ang 10 pisong fair hike.
00:32Pambawi raw sana ito sa ilang buwang pagkalugi ng mga tsuper dahil sa mga oil price hike.
00:39Hindi raw sapat ang inaprubahan o ang pinatutupad ng dagdag pisong pasahe sa jeep.
00:46Isinisigaw rin ang grupong piston ang kanilang panawagan sa gobyerno na agarong pagtanggal sa excise tax at ibat sa produktong
00:54petrolyo.
00:54Malaki na raw ang pagkalugi ng mga tsuper simula ng sumipa ang presyo ng krudo.
01:00Nagkukumahog na raw ang mga namamasada kung paano nga ba bubuhayin ang kanilang mga pamilya.
01:05Ayon sa leader ng piston dito sa NCR, maghapon nilang isasagawa ang kanilang programa rito sa may Pasig, Palengke.
01:13Nasa 170 to 200 na miembro raw ang inaasahang makikiisa.
01:20Hindi sapat ang aming kinikita dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
01:27Doon sa 1,500 na dagdagdag konsumo ng mga driver sa maghapon,
01:34kung kami nakakapagsakay ng 200 katawang sa maghapon is 200 lang.
01:39Kaya paluwal pa po ng 1,300.
01:41Sabi nga natin, baliwala ang pisong binigay nila.
01:51Maris, sabi nga natin, ito ay ginaganap dito lang sa may Pasig, Palengke.
01:55Kaya talaga nagkakaroon ng traffic.
01:57At ito sa aking likuran, yung programa nila hanggang dun sa ilang hakbang pamula rito sa aking kinatatayuan.
02:02Pero to the traffic, may mga nagmamando ng mga tauhan ng Philippine National Police, Pasig Police,
02:09at saka yung mga officials ng TPMO o Traffic and Parking Management Office ng Pasig LGU.
02:16Yan ang latest mula rito sa Pasig City.
02:18EJ Gomez, GMA News.