Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 2, 2026


- Haze, nararanasan din sa ilang bahagi ng Visayas

- P62.4=$1 na palitan kahapon, panibagong all-time low

- DepEd: National safety drill sa mga eskuwelahan, isasagawa bukas, Sept. 3 | Pantay-pantay na safety protocols sa lahat ng eskuwelahan, isinusulong ng isang kongresista

- Comelec: Paghahanda para sa 2028 national elections, posibleng maapektuhan matapos tapyasan ng P9B ang budget

- Malawakang pagbaha sa Bulacan, isinisi ng mga nag-rally sa katiwalian at umano'y "reclamation" para sa isang airport | Ramon Ang: Hindi reclamation ang Bulacan Airport; wala itong kinalaman sa mga pagbaha

- "58th" mapapanood sa 31st Busan International Film Festival; kabilang sa mga pagpipiliang pelikula na ilalaban sa 99th Academy Awards


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:29Transcription by CastingWords
00:32Bukos sa Luzon, ang mataan din ang haze sa ilang lugar sa Visayas.
00:36Madilim ang langit sa Tagbilaran, Bohol dahil sa makapal na usok.
00:39Ganyan din ang sitwasyon sa Panglao Island.
00:42Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, Environmental Management Bureau, Region 7,
00:48ang haze sa Bohol ay dulot din ng forest fire sa Indonesia.
00:54Very unhealthy naman ang kalidad ng hangin sa Metro Cebu dahil din sa haze ayon sa EMB.
01:00Sa Kalibo Aklana, mataan ang mapulang araw kahapon ng umaga dahil din sa haze.
01:05Sa monitoring ng DNR EMB, as of 9pm kagabi,
01:09tunuturing na acutely unhealthy ang kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Las Piñas,
01:15Pareñake at Quezon City.
01:17Very unhealthy naman ang kalidad ng hangin sa ibang lugar sa Quezon City,
01:21pati na sa Makati, Malabon, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Muntinlupa, San Juan, Taguig at Valenzuela.
01:30Paalalaan ng Department of Health, ngayong may haze, huwag munang lumabas kung hindi kailangan.
01:36At kung lalabas, magsuot ng N95 face mask.
01:40Isara mga pinto sa inyong mga bahay at gumamit ng basang tuwalya para matakpan ang mga siwang.
01:51Muling sumadsad sa panibagong all-time low ang halaga ng piso kontra US dollar sa pagpasok ng Setiembre.
01:58Nagsara ang palitan sa 62 pesos and 40 centavos kada dolyar kahapon.
02:03Mas mahina kumpara sa dating record low na 62 pesos at 27 centavos kada dolyar noong Biyernes, August 28.
02:11Ayon sa ekonomista si Michael Ricofort, ang mahina palitan ng piso ay dulot ng mas malakas na US dollar
02:17at pagtaas ng policy rate ng Banko Sentral ng Pilipinas.
02:28Itutuloy na ng Department of Education bukas, September 3, ang National Safety Drills sa mga paaralan sa bansa
02:35bilang paghahanda sakaling may banta sa eskwelahan.
02:38Noong August 25 po dapat ang National Safety Drills pero ipinagpaliban na sa masamang panahon.
02:44Ayon kay DepEd Secretary Iswani Angara, ang drills bukas ay nakatutok pareho sa pisikal, nakaligtasan at mental health ng mga
02:51estudyante.
02:53Sa pamagitan ng drills, target daw ng DepEd na maging handa at hindi pangungunahan ng takot ang mga estudyante.
02:59Lahat daw ng batang lalahok sa safety drills bukas ay kailangan may permiso mula sa mga magulang.
03:05May alternatibong aktibidad din para sa mga estudyante na nangangailangan ng karagdagang proteksyon o ibang paraan ng paghahanda.
03:12Ang gagawin drills ay may koordinasyon sa pulisya sa Philippine Psychiatric Association,
03:19Philippine Society for Child and Adolescent Psychiatry at sa Philippine Pediatric Society.
03:25Isinusulong naman ang isang kongresista na dapat pare-pareho ang safety protocols sa mga eskwelahan kapag may banta.
03:31Sabi ni BH Partylist Rep. Robert Nazal, dapat may mahihingan din ang tulong ang mga eskwelahan kulang sa mga tauhan,
03:39gamit at security personnel.
03:45Pusible raw makaapekto sa paghahanda sa 2028 presidential elections ang pagtapyas sa hiling na budget ng Comelec.
03:53Mas mababa kasi na ang 20 bilyong piso ang inilista ng Department of Budget and Management sa hiningihing budget ng
04:00Komisyon.
04:01Nasa 10 na bilyong piso ang kinatay sa budget para sa paghahanda sa eleksyon.
04:06Ngayon ang balita si Bea Pinlock.
04:12Kahit 2028 pa ang susunod na presidential elections,
04:16gugulong na ang mga paghahanda para rito sa susunod na taon,
04:19kabilang ang filing ng mga kandidato na gusto saan ang agahan ng Comelec.
04:24Kaya humingi ang Comelec ng mahigit 52 billion peso budget para sa 2027.
04:29Pero halos 30 billion pesos lang ang inilista ng Department of Budget and Management sa hiningihing sa Kongreso batay sa
04:36National Expenditure Program.
04:399 billion pesos ang kinatay sa budget para sa paghahanda sa eleksyon.
04:43It may definitely affect the conduct of our election for 2028.
04:49Ngayon po gusto namin sana mas maaga tayo mag-file para maaga po namin makumpleto ang list of candidates.
04:55Kabilang sa apektado ang printing ng balota, forms at voter information sheets na binigyan muna ng 348 million pesos
05:04imbis na ang hinihingi ng Comelec na 3.28 billion pesos.
05:09Ibig sabihin po, hindi po kami makakapag-print ng balota by 2027.
05:14Kung binigyan po kami ng 348, ano lang po mapiprint namin doon?
05:19Siguro po mapiprint namin doon list of voters.
05:22Yun lang po mapiprint namin but not the ballot.
05:25Mahigit isang bilyong piso naman ang tinapyas sa budget para sa automated election system machines
05:30na kailangan pa naman dahil inaasahang 6 na milyon ang madadagdag sa dami na mga votante
05:35mula noong eleksyon 2025.
05:38Pagka po hindi po na ibalik sa amin yun,
05:40we will resort to likewise increasing the number of voters per precinct muli.
05:46Na zero naman ang hiling nilang pondo para sa venue ng filing ng Certificate of Candidacy.
05:50Ang paliwanag sa kanila ng DBM.
05:53Binabasi po lagi nila sa historical basis.
05:56Yung what was given prior to, hindi po napafactor in lagi.
06:00Yung increase in the number of voters, increase in the number of precincts,
06:05increase in the number of election para pernalya, and increase in the number of teachers.
06:11This is a recipe for disaster.
06:13We're looking at not just a failure of elections, but a failure of this very important democratic exercise.
06:21Baka kailangan ding dumiskarte ng COMELEC, sabi ng iba.
06:25Napakaliit ng fiscal space.
06:27Bakit hindi tayo magtipid?
06:28Gamitin natin yung pwede pa naman, payagan nyo lang na yan ay magamit muli.
06:35Palagay ko, magkakasya kung makulangin man yung pondo ninyo, kaunti lamang.
06:41Sabi ng COMELEC, kung hindi talaga marerestore ang hiling nilang pondo para sa 2027,
06:47gagawa pa rin sila ng paraan para mairaos kahit papaano ang paghahanda sa eleksyon 2028.
06:53Ito ang unang balita.
06:55Bea Penlac, GMA News.
06:59Isinisin na ilang grupo sa katewalian na tuman na yung reclamation para sa isang airport
07:04ang malawakang pagbaha sa Bulacan.
07:07Pinundin na ng mga nagprotesta ang korupsyon at anomalya sa plant control projects
07:10na solusyon dapat sa pagbaha.
07:13Pati ang anila yung reclamation o pagtatambak ng lupa sa tubig para itayo ang airport sa Bulacan
07:18na dahilan daw ng pagbaha sa marami lugar.
07:21Hindi daw kasi nakakadaloy ng maayos ang tubig na lalabas sa Manila Bay.
07:27Ayong kaya naman ang President at CEO ng Top Frontier Investment Holdings Incorporated
07:32na siyang may-ari ng kumpanyang nagde-develop sa proyekto,
07:36hindi maituturing na reclamation ang ginagawa nilang bagong paliparan.
07:56Ang sinisiniang ay ang ilang baradong tulay sa lugar, pati ang mga ilog na mababaw-umano.
08:02Tumutulong na rin sila sa pagpapalalim ng mga ito
08:05at nakapagtanggal na ng may git-apat na toneladang bara sa mga ilog.
08:11What I keep saying is we will continuously help minimize the flooding problem of Bulacan.
08:27Still going global ang JMA Public Affairs and JMA Pictures Film na 58.
08:32Mapapanood kasi ang pelikula sa 31st Busan International Film Festival o BIFF na magsisimula sa Oktubre.
08:40Ipapalabas ang pelikula sa documentary showcase ng film festival kasamang ilan pang pelikula.
08:45Bukod dyan, kabilang din ang 58 sa pagpipili ang mga pelikula na ilalaban sa 99th Academy Awards o Oscars.
08:53Pinagbibidahan niya ni Glyza De Castro.

Recommended