00:00Pinalawak pati sa ilang pribadong ospital ang Zero Balance Billing kung saan makikinabang ang mga piling PhilHealth member na kwalifikado
00:07sa servisyo medikal.
00:09Saksi si Van Mayrina.
00:14Itinuloy na po natin ang Zero Balance Billing.
00:19Ang servisyo sa basic accommodation sa ating mga DOH na ospital, wala nang babayaran ang pasyente.
00:28Sa kanyang State of the Nation Address o Sona noong 2025, inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos ang Zero Balance Billing
00:35sa 87 DOH hospitals sa bansa.
00:38Sagot ng PhilHealth ang pagpapakonfine at pagpapagamot ng pasyente sa ward.
00:43Yun nga lang, hindi naman sapat ang mga pasilidad para ipatupad ang layunin ng universal healthcare na bigyan ng akses
00:50ang lahat ng Pilipino sa dekalidad at abot kayang servisyo medikal na walang dapat ipangamba sa gastusin.
00:55Dahil dito, nakikipagkasundo ang pamahalaan sa mga pribadong ospital para mapalawak ang libring servisyong medikal.
01:04Lumagda ang PhilHealth at St. Luke's Medical Center Global City ng kasunduan para sa No Balance Billing.
01:11Malinaw ang ating hangarin.
01:13Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa pera para makakuha ng kinakailangan atensyong medikal.
01:20Sa ilalim ng kasunduan, maglalaan ng St. Luke's ng 53 beds para sa mga PhilHealth member na kwalifikado sa servisyo
01:28medikal.
01:28Nitulungan po tayo ng St. Luke's na makapagserve ng mas maraming patient na hindi po sila kailangan magdagdag bayad.
01:35Halimbawa, bago pa itong permahang ito, umabot na raw sa 55 ina ang nanganak ng libre sa kanilang ospital
01:41sa ilalim ng No Balance Billing System ng PhilHealth pero hindi lang sa panganak,
01:46kundi lahat ng benefit package ng PhilHealth ibibigay din dito sa St. Luke's.
01:51Yun nga lang, dahil limitado lang ang mga nakalaang hospital beds,
01:55sasalain muna kung sino mabibigyan prioridad dito.
01:58Gusto ko natin ma-focus yung efforts natin, saka finances natin,
02:03dun sa talagang nangangailangan, yung poorest of the poor.
02:06Eventually siguro gagawa ng paraan ng PhilHealth na lahat tayo na PhilHealth member, libre na lang.
02:12Nauna rito'y nagkaroon na rin ang kasunduan ng PhilHealth sa Cardinal Santos Medical Center.
02:17May pag-uusap na rin daw para sa kahaling tulad na kasunduan sa The Medical City at Asian Hospital.
02:22Ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
02:28Ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
Comments