Skip to playerSkip to main content
Umakyat na sa 50 ang bilang ng mga naka-admit sa San Lazaro Hospital dahil sa leptospirosis.
Dumarami rin ang mga tinamaan ng sakit sa National Kidney and Transplant Institute na ngayon ay nasa 19 na.
Nakatutok si Mariz Umali.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Umakyat na po sa 50 ang bilang ng mga naka-admit sa San Lázaro Hospital dahil sa leptospirosis.
00:07Dumarami rin ang mga tinamaan ng sakit sa National Kidney and Transplant Institute na ngayon ay nasa Labing Syamna.
00:14Nakatutok si Maris, umali.
00:19Nailangang sumailalim sa peritoneal dialysis ng 26 anos na si Hartling.
00:24Matapos magka-leptospirosis, hindi niya naiwasan lumusong sa baha dahil sa trabaho.
00:29Mag-lagnat, mag-susuka, hindi ko kayang pumunta pa sa pitabag.
00:37Ang 71-year-old na si Tatay Mario, hindi lumusong sa baha pero nagka-leptospirosis pa rin.
00:43Hinala ng mga doktor, nagkaroon pa rin siya ng sakit dahil rat-infested ang kanyang tinutuluyan.
00:49Yung tinutulugan ko, bago lipat kahit ko rin.
00:53Buday ka kasi dati, nagkakodan doon yung mga daga.
00:56Hindi naman po ako nakalusong sa bahay.
01:00Wala man ako sugat eh.
01:01Kasi maalala kung mayroon pala akong ingrown.
01:05Dito sa National Kidney and Transplant Institute, nasa labing siyam ang leptospirosis cases, kabilang ang tatlong nadagdag sa nakalipas lang
01:12na 24 oras.
01:14Mula June 1, umabot na sa lima ang nasawi sa NKTI.
01:18Pinakahuli ang isang nadagdag as of 4 p.m. na humantong daw sa pulmonary hemorrhage.
01:23Karamihan late kasi eh. So dapat marirecognize din ng mga tao kung paano ba ang simptomas.
01:30Pag na-expose ka, pakiramdaman mo na sarili mo.
01:32If you feel unwell, meron kang lagnat, sumakit yung muscles, sumakit yung joints mo.
01:38Kasi malala na pag nanilaw ka na. Malala na yun.
01:42Pag umihi ka ng medyo iba na ang kulay o kaya hindi ka umiihi, medyo malala na yun.
01:47Yun yung mga napupunta sa amin na severe cases na.
01:51Ang 42 anyo sa sirenaline, kailangan ng i-hemodialysis matapos magka leptospirosis.
01:57May sugat siya ng lumusong sa baha noong isang linggo.
02:01Nilalagnat na po ako tapos mabigat yung pakiramdam ko na parang ayaw ko nang bumangon.
02:08Bakit po hindi kayo pumunta agad sa hospital?
02:12Ang isip ko lang ng trangkaso lang. Baka dahil lang sa ulan.
02:17Dito sa San Lazaro Hospital, umapot na sa 50 ang bilang na admitted cases ng leptospirosis.
02:2424 ang nadagdag sa nakalipas na 24 oras.
02:28Alarming na sa amin ang 100% increase kasi hindi pa natin nakikita ang peak ng leptospirosis surge.
02:38Usually, ang leptospirosis may incubation period from 2 days to 30 days.
02:46Dalawang na itatalang nasawi dahil sa leptospirosis hospital.
02:50Paulit-ulit na paalala ng mga doktor, huwag na pong lumusong sa baha hanggat maaari.
02:55Sakali namang hindi maiwasan, agad na kumonsulta sa doktor o magpadala agad sa ospital kahit na simple symptoms lang ang
03:02maramdaman.
03:02Ang leptospirosis kasi is a bakterya na kayang lunasan ng pag-inom ng antibiotik.
03:10Ayaw namin na pumunta sila sa ospital na severe na.
03:14Ang severe leptospirosis inaatake ang mga vital organs ng katawan.
03:20Pagmild ang leptospirosis, lagnat, pananakit ng katawan at pamumula ng mata ang karaniwang sintomas.
03:26Pag malubhana, ang mga senyales ay pagdahak ng dugo, paninilaw ng mata at pagkonti ng ihi.
03:32Pwede rin maagapan ang gamot gaya ng doxycycline na kailangang iriseta ng doktor.
03:37Maris Umali na Katutok, 24 Oras.
Comments

Recommended