00:00Para sa mga nasa Visayas at Mindanao, abiso po mula sa National Grid Corporation of the Philippines.
00:06Muling isa sa ilalim sa red at yellow alert ang Visayas Grid ngayong araw.
00:11Magsisimula ang yellow alert mamayang alauna hanggang alas 4 ng hapon.
00:15Red alert naman pagdating ng alas 4 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
00:21At yellow alert ulit mamayang alas 8 hanggang alas 10 ng gabi.
00:25Ayon sa NGCP, 26 na planta na sa Visayas ang hindi gumagana.
00:32May yellow alert din sa Mindanao na nagsimula kaninang alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon.
00:38At mauulit mamayang alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
00:43Sabi ng NGCP, 25 planta sa Mindanao ang hindi gumagana.
00:48I-pinataas na ang yellow alert kapag manipis ang reserbang kuryente na posibleng magkulang sakaling magka-emergency.
00:56Kapag red alert naman, sagad o kulang na talaga ang supply ng kuryente kaya magkaka-brown out.
Comments