00:00Bago ngayong gabi, bantay sarado ang mga lugar sa Quezon City at Camanaba
00:04na dinadaluhin ang Tullahan River sa gitna ng paglagpas sa spilling level ng tubig sa Lamesa Dam.
00:10Mula sa Malabon, may live report si Jomer Apresto.
00:14Jomer.
00:18Atom, anumang oras posible ng magpatupad ng forced evacuation sa apat na barangay dito sa Malabon City
00:24dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng level ng tubig sa Lamesa Dam.
00:29Sa datos ng pag-asa, as of 9pm, nasa 80.22 meters na ang tubig sa Lamesa Dam.
00:34Lagpas sa critical level na 79.50 meters at spilling level na 80.15 meters.
00:40Sa pag-apaw ng Lamesa, apektado sa downstream ang Tullahan River na dumadaloy sa Malabon City.
00:45Kaya kaninang hapon, nagpalikas na ang LGU.
00:48Ayon sa Malabon Public Information Office, mahigit 30 pamilya ang sumama sa preemptive evacuation.
00:54Pinakamarami ang 20 pamilya o mahigit 70 individual na nasa Tinajeros Elementary School.
00:59At anumang oras, posible nang magpatupad ng forced evacuation.
01:03Sa barangay Tinajeros, nasa 200 pamilya ang tatamaan niyan.
01:07Inikot kanina ng Malabon LGU ang Tinajeros Elementary School,
01:10Panghulo Elementary School at Maisilo Elementary School para mamigay ng mga hot meal sa mga lumikas.
01:15Maapektohan din ang pag-apaw ng Tullahan River ang mga residente sa dinaraanan nito mula Quezon City hanggang Valenzuela.
01:21Sabi ni Valenzuela Mayor West Gatchalian, nakahanda sila sa oras na kailanganin magpalikas.
01:26Sa barangay North Fairview, Quezon City naman, 85 pamilya na ang nag-evacuate sa North Fairview High School as of
01:339pm.
01:35Atom sa ngayon, itong bahagi ng second floor pa lang ng Tinajeros Elementary School ang okupado ng mga residente.
01:42Pero inaasahan daw na darami ang evacuees sa mga susunod na oras.
01:46Pangunahin kailangan nila ang mga hygiene kit.
01:49Atom?
01:50Ingat at maraming salamat, Jomer Apresto.
Comments