00:00Patay ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa kasalubong na closed van
00:04at tumama sa isang poste sa Rodriguez Rizal.
00:08Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:13Kuha ang CCTV video na yan sa Eastwood Road, Barangay San Isidro Rodriguez Rizal,
00:19pasado alas 7 kagabi.
00:21Isang closed van ang biglang napahinto at nabangga ng kasalubong na motorsiklo.
00:27Sa kuha ng dashcam ng isang pick-up na kasunod ng closed van,
00:31kita ang pagtalsik ng rider at motorsiklo.
00:40Sa isa namang dashcam ng sasakyang kasunod ng pick-up,
00:44nakunan ang pagsalpok ng rider at motorsiklo sa isang poste ng kuryente bago pumailalim sa pick-up.
00:52Oh my God! Bumanga siya doon sa poste?
00:57Mula sa pinagmaga ang closed van, halos 15 metro ang layo ng itinalsik ng rider at motorsiklo
01:03bago sumalpok sa posting ito.
01:06At saka tumilapon, pabalik ng kalsada at pumailalim sa pick-up.
01:12Sobrang bilis po talaga ng patakbo niya.
01:14May bumibili po dito na customer ko po,
01:17tas nasagi niya po yung e-bike na sinasakyan po noon.
01:20Pagtingin po namin, duguan na po talaga siya.
01:22Ayon sa pulisya, nag-overshoot ang motorsiklong tinatahak ang kanang linya ng kalsada
01:29sa kabumanga sa kasalubong na closed van.
01:32Yan po, madulas yung daan. Tapos ayon sa mga saksi at doon sa mga may nagsabing mekaniko,
01:40yung motor doon kasi nawala ng prino.
01:43Tapos sobrang bilis yung takbo.
01:46Kaya parang naipit yung prino, kaya hindi niya nakontrol, na-overshoot siya pakaliwa.
01:52Noong lumiko siya sa direksyon ko, napahinto na ako, nag-prino na ako.
01:58Sa sobrang bilis ng takbo niya, inabot niya pa rin yung right side.
02:02Ayon sa ina ng 28-anyos na rider, bibili lang sana ng ulam ang biktima ng mangyari ang insidente.
02:09Ati, dalawang beses ko pong tinawagan sa magkaibang number pero hindi ko na po siya makontakt.
02:16Tapos po, ayon po, wala na daw po. Nasa ilalim daw po ng sasakyan.
02:23Siyempre, kung masakit kasi paan ako po yun eh.
02:28Tanira, investigation pa po kami.
02:30At kung ano man yung disisyon ng both parties,
02:33at kung magka-ameicable settlement sila,
02:37ay yun naman po ang aming gagawin.
02:39Pero kung magsasampang ng demanda yung side ng rider,
02:44ay yun po, ay papile po namin yung kaso.
02:47EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments