00:00Tumangging maghain ng plea si Sen. Rodante Marcoleta sa kasong paglabag sa Presidential Decree o PD46
00:08dahil may nakahain pang petisyon ng kanyang kampo sa Korte Suprema.
00:12At dahil dyan, ay ipinaghain siya ng not guilty plea ng Sandigan Bayan First Division.
00:19Ayon po sa abogado ni Marcoleta, hinihiling pa nito sa Korte Suprema na repasuhin ang kaso at i-dismiss ito.
00:27Ang PD46 ay nagbabawal sa mga public official na tumanggap ng regalo.
00:33Not guilty naman ang inihain ng kapwa niyang akusado na si Aristotle Viray
00:38na nagbigay umano ng 20 million pesos kay Marcoleta noong January 9, 2025.
Comments