Skip to playerSkip to main content
Aired (June 13, 2026): Kasabay ng unang araw ng pasukan ng maraming estudyante nitong Hunyo 8, 2026, isang 7.8 magnitude na lindol ang tumama sa mga bahagi ng Mindanao. Maraming pamilya at komunidad ang naapektuhan, at nagdulot ito ng matinding pinsala at takot. Ngunit sa gitna ng sakuna, lumitaw rin ang mga kuwento ng bayanihan, malasakit at pag-asa. Panoorin ang video!

Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Ang dapat sanang masayang unang araw ng eskwela nitong Lunes, June 8.
00:12Mabalot ng takot ng bandang alas 7.30 ng umaga,
00:17niyanig ng 7.8 magnitude na lindol ang katimugang Mindanao.
00:25Ang tumambad na eksena, mga gumuhong gusali,
00:31nawasak na mga kalsada,
00:35at mga residenteng walang pagsidlan ang takot para sa kanilang kaligtasan.
00:42Nandun akong salamis, sabi ko, Lord, tama na po, Lord, sa bukal po, ano pong kasalanan po namin po, Lord,
00:50pinagsisiyan po namin, Panginoon.
00:52Parang na-trauma ako.
00:55Bawat simula nung lindol hanggang sa ngayon, hindi ako makatulog ng maayos.
01:00Sa gitna ng trahedya, lumutang ang mga kwento ng kabayanihan.
01:07Nasa kabila ng takot para sa sariling kaligtasan, inuna ang malasakit para sa kapwa.
01:14Gaya ni Lola Flosser Pida, 55 years old,
01:18na sa kabila ng matinding pagyanig ng lupa, e walang pag-aalin langang tumakbo pabalik sa kanilang bahay
01:25para isalba ang kanyang apo na si Jace na no'y nasa loob pa.
01:29Ang maglola, ligtas na nakalabas ng bahay.
01:34Sa kuhang ito naman ng CCTV, makikita ang tindik ng pagyanig sa labas ng bahay ng pamilya Kalubya sa Maguindanao.
01:46Buong pusong ipinagmalaki ng padre de familia na si Maurice,
01:50na no'y nagtatrabaho sa loob ng airport, ang kanyang 6-year-old na anak na si Nathan.
01:56Sa kabila kasi ng kanyang kamusmusan, makikita ang mabilis na pag-aksyon ni Nathan.
02:01May nag-notify sa tablet niya na there is an earthquake nearby.
02:09Dito na naalerto ang bata.
02:12Nagsunod-sunod na ng alarm.
02:14Tapos nung naalert siya, pumunta siya sa bedroom.
02:19Ang unang aksyon ni Nathan, hindi magtago,
02:22kundi puntahan at gisingin ang kanyang ina na si Rachel
02:26at ang nakababatang kapatid na si Thalia na nasa kanilang kwarto.
02:31I was thinking to wake up my mom because I thought something was gonna fall down.
02:41Agad namang lumikas ang mag-iina palabas ng bahay.
02:47Sabi na si Nathan sa mga mga nina na,
02:50Mama, that's how I protect my family.
02:53Ang pagiging alisto raw ni Nathan,
02:56nagmula sa pangarap niyang maging isang fireman tulad ng kanyang ama
03:00para makatulong pa sa mas maraming tao balang araw.
03:04Good job, Nathan!
03:05Sa panahon ng sakuna,
03:08kilala ang mga Pinoy sa pagiging matatag at mayroong malasakit sa kapwa,
03:12tulad ng Good Samaritan mula Maytum, Sarangani Province.
03:16Sa video nito, matapos ang lindol,
03:18gumawa sila ng inisyatib na mamahagi ng pagkain para sa mga evacuee
03:23mula sa Barangay Mabay at Old Poblasyon.
03:26Ang nasa likod ng inisyatib na ito,
03:29walang iba kundi si Melvin ng Barangay Kalani.
03:32Isa po yung barangay namin na sa ginawang evacuation center,
03:36kung kaya't yung mga kaibigan ko po,
03:38is naisipan po namin na mag-ambagan
03:41para po magbigay po tayo ng pagkain,
03:45hot meals para sa ating mga evacuees.
03:48Dating merchant marine officer si Melvin
03:50at ngayon isa ng agricultural entrepreneur.
03:53At kung hindi siya nag-aasikaso sa kanyang farm,
03:56tumutulong siya sa mga magsasaka sa kanilang lugar.
03:59Na hindi lamang po tayo kumikita para sa ating mga sarili,
04:03kundi nakakatulong po tayo sa ating komunidad,
04:06sa ating environment.
04:08Ang nais daw ni Melvin,
04:10maibsanang hirap na dala ng lindol sa mga biktamang tigit na tinamaan.
04:15Alam naman po namin na may capacity kaming makapagbigay ng tulong,
04:18so ginawa na lang po agad namin na hindi na po kami nag-atubili
04:21pang magbigay ng aid sa ibang tao.
04:25Dahil sa naging banta ng tsunami,
04:27isa sa mga inilikas mula coastal areas si Angelica.
04:31Sobrang takot ko po sa sarili ko, sir,
04:33kasi ang iniisip ko talaga yung mga anak ko.
04:36Hindi ko na ako nainisip, nabuntis ako.
04:39Ang importante sa akin, sir, makatakbul ako sa mga anak ko.
04:43At para patuloy na maibsan ang kanyang pinagdaraanan,
04:47muling maghahanda si Melvin ang pagkain
04:49para maihatid sa ating mga kapuso evacuee.
04:53So ito po, luto na po yung ating lugaw.
04:56Ready na po ito para ipamigay sa ating mga evacuees.
04:59Hangad ni Melvin na sa muntiman niyang handog na pagkain
05:03ay magdala ng panandali ang ginhawa sa kabila ng trahedya.
05:07Malaking tulong po talaga ang ginawa niya sa barangay namin
05:11and very supportive po siya financially, physically, emotionally
05:16sa mga activities na nagaganap dito sa barangay.
05:20Sa gitna ng trahedya,
05:22hindi maipagkakaila ang ating katatagan at pagmamalasakit sa ating kapwa.
05:27Dalamin po namin ang muling pagbangon at pag-asa
05:31para sa mga kababayan nating nasa langta,
05:34pati na ang pagmamalasakit sa kapwa
05:37na may kasamang panalangin para sa pagbangon at pag-asa.

Recommended