Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 8, 2026


-Classrooms sa Pres. Corazon Aquino Elem. School sa Quezon City, hinati dahil sa dami ng mga estudyante ngayong S.Y. 2026-2027


-Paalala ng LTFRB sa motorista: Pairalan ang disiplina at pag-iingat sa kalsada


-5 silid aralan sa Caduang Tete Nat'l HS sa Macabebe, Pampanga, hindi nagagamit dahil lubog sa baha


-Ilang residente ng Brgy. Tatalon sa Quezon City, nangangamba sa mataas na baha ngayong tag-ulan na


-Dagdag-sahod para sa mga guro at kakulangan sa mga silid-aralan, panawagan ng Alliance of Concerned Teachers na tugunan ng pamahalaan


-Teachers' Dignity Coalition, ilalapit sa Malacañang ang panawagan para sa umento sa sahod


- Timba na pansahod sa tulo mula sa bubong, inilagay sa mga classroom sa Mangaldan Nat'l HS sa Pangasinan bilang paghahanda sa tag-ulan


-Mga guro at estudyante, maagang dumating sa Davao City Nat'l HS para sa unang araw ng Balik-Eskuwela 2026


-Josh Ford, nagpapagaling na matapos sumailalim sa nasal at ear surgery


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:12Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:28Transcription by CastingWords
01:58Transcription by CastingWords
02:28Transcription by CastingWords
02:58Transcription by CastingWords
02:59As of 6am, ganito po ang sitwasyon dito sa Kaduang Tete National High School dito sa Makabebe Pampanga.
03:05Makikita po ninyo, talagang lubog sa baha ang isang bahagi ng kanilang eskwelaan.
03:11Kahit na balik eskwela na mga estudyante, ang baha rito nakotila walang break dahil nga po kahit na hindi naman
03:17umulan at maayos ang ating lagay ng panahon sa ngayon.
03:21Makikita po natin na talagang lubog sa baha.
03:51Dahil nga po lubog sa baha. Kahit na gaya ng binanggit ko maganda yung lagay ng panahon.
03:57Hindi na po kasi humuhupa yung baha dito sa particular na bahagi na ito.
04:03At ito rin pong nilalakaran kung ito ay may katabing ilog. Kaya isa po ito sa nagiging problema ng paaralan.
04:12Kaya talagang pag tumas daw yung ilog, damay din po yung kanilang eskwelaan.
04:16So sa ngayon po, meron po nga 22 classrooms na nagagamit ang mga junior and senior high school. Pero may
04:23mahigit isang libo po silang estudyante.
04:26So gaano kalaki ang impact na itong problema na ito sa kanilang eskwelaan? Para bigyan po tayo ng kasagutan, mga
04:32kausap po natin ang kanilang school principal na si Sir Raul Dimaculangan.
04:37Magandang umaga po sa inyo Sir Raul.
04:39So magandang umaga din po.
04:40Opo ah, sa pagpapaunlak po.
04:41Maris.
04:42Opo. Una po sa lahat, gaano na po ba katagal itong problema po ninyo na lubog sa baha? Itong particular
04:48na bahagi po ito ng inyong eskwelaan.
04:50Pagdating ko na dito, 2022.
04:54So ganito na po yung sitwasyon.
04:57Paano po nagsimula?
04:58Actually, every time po kasi na magtataas tayo yung highway, naiiwan yung ating school.
05:07Kaya talagang mababa po yung school.
05:10And pagdating ko, yung baha actually hanggang dito before.
05:14So nakapagtambak lang po tayo ng ilang portion.
05:18Kaya nagagamit na po namin yung mga mando doon.
05:21Paano niyo po sinubukan solusyonan itong problema ng baha rito?
05:25Ang una, we requested classrooms from the national government and before may nag-soil testing and we hope for that
05:37na 20 classroom ang mabibigay sa atin.
05:41But then, nagkaroon nga po ng problema sa national government.
05:47At sinusunod na po ng ating gobyerno yung mandanas doctrine na yung pagpapagawa ng classroom building ay sa local government.
05:56And sabi naman po ng provincial government, mayroon po kaming 6 hanggang 8 classrooms.
06:04Pero wala pa po.
06:07Tinibag na po natin yung mababa.
06:08Dinemolish na po yun.
06:10And naghihintay po tayo.
06:12So ito rin po, balak nyo rin po e-debolish.
06:14Tapos lagyan na lang ng bagong classrooms.
06:18Mangyayari yun.
06:19Pero paano po kayo nag-adjust ngayon?
06:21Kasi syempre sabi, nagkaroon daw ng kakulangan ng mga classrooms dahil sa ganitong sitwasyon.
06:27Dahil sa kakulangan ng classrooms, yung double shift, yun ang ating ipinatutupad.
06:33Kasi hindi nga kakayanin ang mga classrooms natin yung volume ng mga learners.
06:40So instead na whole day, nagiging half day na lang?
06:42Ganon ang mangyayari.
06:43Paano po ang nangyayari sa kanilang learning?
06:46Hindi kasing ano po ng whole day yung klase.
06:51Kulang sa natututunan?
06:53Ganon po.
06:54Kulang talaga yung naibibigay ng learnings ng ating mga kasamahang teacher.
06:59Gano ka man kagaling, hindi ganoon ka ano yung maibibigay mo sa mga bata.
07:05Sir, huli na lang.
07:06Ano po yung panawagan po natin sa national government, sa local government?
07:09Dahil sabi niyo po nang nag-request na kayo pero tila walang aksyon.
07:15Same pa rin po yung ating mga nirequest.
07:18Hopefully, alimbawa po yung protection slope dito sa likod para naman po dito sa building nating malaki.
07:27And again, yung classrooms pa rin po na need natin.
07:30Baka sakali na bumalik yung marami pa natin yung estudyante before.
07:35Kasi nung maraming estudyante talaga dito noon.
07:40Kaya lang dahil sa ganyang pagbaha.
07:44So marami po ang lumipat ng lugar at hindi na po bumalik pa.
07:49Alright.
07:50Maraming maraming pong salamat.
07:51Ayan, nakita niyo po mga kapuso.
07:52Isa rin po ito sa mga problema at nagiging impact, epekto ng problema natin sa mga flood control projects na
08:00tila eh hindi rin po nagagawa ng paraan maging dito po sa bahaging ito na makabebe pampanga.
08:06Maraming maraming salamat po, Sir Raul, ni Makulangan po ang principal po ng ito pong eskwala na ito para sa
08:14informasyong binigay niyo po sa amin.
08:16Ingat po kayo, Sir.
08:20Ngayon na po lang, nangangamba ang mga residente ng Barangay Tatalon sa Quezon City na maranasan muli ang mataas na
08:26pagbaha.
08:27Sinusuri na rao ng Department of Public Works and Highways sa mga flood control project na pwede ituloy kung talagang
08:33makatutulong.
08:34May una balita si Darlene Kay.
08:40Ganito sa ilang bahagi ng Barangay Tatalon sa Quezon City kapag may bagyo o tuloy-tuloy na ulan.
08:45Kaya ngayong inanunsyo na ng pag-aasa ang simula ng tag-ulan, kabado na ang mga residente tulad ni Ariel.
08:51Umaabot daw kasi sa anim na talampakan o nagpastao ang tubig dito sa Villa España 2.
08:57Nangangamba na yung iba, yung iba naman lumilipat yung mga nangupahan.
09:02Ang mga tulad ni Gabby, naghahanda na ng mga gamit na kanilang itataas para hindi mabasa sakaling bumaha.
09:08Nag-worry po na babaha na naman dito.
09:11Hassil po kasi siyempre, papasok ko ng trabaho.
09:15O di ba, naka-shoes ka tapos naka-ano ka eh.
09:19O di ba, yung dadaan mo ng ano, eh total ito, nagmumotor ako, dadaan mo ng kalsan na may tubig.
09:26Nababasa po yung shoes ko, yung pants ko, nababasa po.
09:30Kaya malaking tulong daw sana ang improstrukturang pipigil sa tubig.
09:34Yun nga lang, kabilang ang Barangay Tatalon sa mga lugar sa Quezon City kung saan may nasa 60 ghost flood
09:40control projects.
09:42Nang mag-inspeksyon ng ICO, Independent Commission for Infrastructure doon Setyembre noong nakaraang taon,
09:47barado ang lagusan ng tubig sa drainage system.
09:49Sabi ni Mayor Joy Belmonte, ginasto saan ng 48 million pesos
09:53ang dapat sana yung rehabilitasyon ng drainage system sa Barangay Tatalon.
09:57Pero ang ginawa lang, pininturahan ang sidewalk at pinalitan ang manhole.
10:02Gaya rito sa Bahaing Manunggal Street.
10:04Ano na, apekto ang kami mga residenteng nanda rito.
10:07Saan naman tayo magago, kahit may inis tayo.
10:10Panawagan nila.
10:11Maganda naman sana, maayos na yung itong lugar namin.
10:15Mawala na yung ba rito.
10:17Kasama raw ito sa mga pinag-aaralan ng DPWH kung dapat ituloy ayon kay Secretary Vince Dizon.
10:23Siguro in the next few weeks matatapos na yung assessment ng ating panel of experts.
10:28At pagka tinabi niya na dapat niyang ituloy, itutuloy na natin kagal.
10:33Pero hindi pa natin inintay, hindi na natin inintay yun.
10:37Tin-arminate na natin matagal na yung mga kontrata ng mga diskaya dyan.
10:42Kasi sa pagkakagam ko, diskaya project din yan.
10:45Sabi ni Dizon, kailangan daw kasing dumaan sa pagsusuri ang flood control projects na nakitaan ng anomalya
10:51para malaman kung makatutulong talaga sila sa lugar.
10:54Kayangan talaga, ma-establish muna natin kung yung project ba ay kayangan o hindi.
10:59And ang best way para gawin yun, makipag-coordinate sa LGU.
11:04Sa kabuuan, nasa 40% rao ng mga natukoy na proyekto ang nakita ng DPWH na dapat ituloy.
11:11Iseryan ay itong pumping station sa Villa España 2 sa Barangay Tatalon.
11:14Kaya kahit linggo, tuloy ang paggawa sa phase 1 ng proyektong pinondohan ng mahigit 868 million pesos.
11:22Naghahanda naman na raw ang mga kaunin ng Barangay Tatalon ngayong simulan na ng tag-ulan
11:26gaya ng de-clogging at paghahanda sa evacuation centers.
11:29Pero magiging malaking tulong daw sa kanila ang karagdagang flood control infrastructures.
11:33Sana more infra para mas mapahitan pa po yung may liit po nating mga kanals.
11:39Kailangan pa natin ang additional 50% para po totally talagang wala na pong pagbaha na magaganap po dito sa
11:48Tatalon.
11:49Tugo naman ang DPWH, tuloy din ang kanilang paghahanda sa tag-ulan kasabay ng mga imbisigasyon sa maanumalyang flood control
11:55projects.
11:56Ito ang unang balita. Darlene Kai, GMA News.
12:08Mag-ibisita eskwela naman ang ilang grupo ng mga guro matapos ang isinagwa nilang kilos protesta sa Maynila.
12:14May unang balita live si Bam Alegre. Bam?
12:21Susanne, good morning. Nagsagawa nga ng mabilisang kilos protesta dito sa Menjola Peace Park.
12:25Itong Alliance of Concerned Teachers. Tinagurian nila ito na sunrise protest.
12:35Nasa mahigit na dalawampu ang mga membro nila na nagkilos protesta bit-bit ang mga panawagan at hinaing na nakalagay
12:41sa mga payong na blue at orange.
12:43Katulad dito ang pagdaragdag ng sweldo sa entry level ng mga guro sa halagang 50,000 pesos, pati ang mas
12:49mataas na budget para sa edukasyon.
12:51Kahit daw isang trilyon ang budget para sa edukasyon, hindi daw ito ramdam ng mga guro.
12:56Iginigiit nila na may krisis pa rin sa edukasyon dahil kulang daw sa resources ng pamahalaan.
13:01Tulad ng paulit-ulit na problema ng classroom shortage na nasa 155,000 daw, teacher shortage na 150,000 at
13:09300,000 na shortage sa mga education support personnel tulad ng mga registrar, school nurse at guidance counselor.
13:17So ngayon wala na rin sila rito sa Mandiola Peace Arc, pati yung mga nagbabantay na polis.
13:21Ang susunod nilang pupuntahan ay ang Benigno Aquin Elementary School sa May Basaco, Maynila.
13:26Isa lang ito sa mga bibisitahin nilang paaralan, meron din sa Quezon City.
13:30At magtatapos yung kanilang programa sa isang sunset protest naman sa Welcome Rotonda mamaya.
13:36Ito ang unang balita, mula rito sa Maynila.
13:37Bama Legre, GMA News.
13:40Kasabay ng unang araw ng pasukan, ilalapit sa Malacanang sa Maynila ng ilang grupo ng public school teachers,
13:46ang panawagan para sa taas sahod.
13:48Ayon sa Teachers Dignity Coalition, itadaos nila ang kilos protesta sa Mandiola mamayang hapon.
13:54Yan ay para hindi maapektuhan ang morning classes.
13:56Panawagan nila ang umento sa sahod na 15,000 piso.
14:00Anila nararapat ang taas pa sahod dahil sa patuloy na pagdami ng demands sa kanilang trabaho.
14:05Dagdag pa ang maraming adjustment na ipatutupad ngayong school year 2026-2027.
14:11Wala pa pahayag kaugnay nito ang Malacanang at Department of Education.
14:18Mga kapuso, pinagahandaan din po sa mga aldan na National High School sa Pangasinan ang tagulan.
14:27Naglaan ang pamunuan ng paralan ng mga timba sa mga silid-aralan.
14:31Dahil kapag tagulan, malakas daw ang tulong ng tubig mula sa mga butas ng bubong.
14:38Tiniyak nila nga ayusin ang mga kailangan kumpunihin sa mga classroom.
14:42Ang mga lubak sa paralan, tinambakan na ng bato, buhangin at lupa.
14:47Isa po ang mga aldan National High School sa mga eskwalahang may pinakamarami estudyante sa Region 1.
14:53Karaniwang bilang ng mga mag-aaral doon ay 8,000.
14:56At inasa mas mataas ang bilang nito ngayong school year.
15:02Abot sa mahigit 13,000 estudyante ang inaasahang papasok sa Davao City National High School
15:08na may pinakamalaking populasyon ng mga estudyante sa lungsod.
15:11Makahati ang mga yan sa morning at afternoon shift.
15:14Kumustahin natin ang sitwasyon doon?
15:15May unang balita live si Argyel Relator ng GMA Regional TV.
15:19Argyel, good morning!
15:22Susan, tapos na nga ang bakasyon at balik na naman sa sigla ang Davao City National High School
15:27ng mga mag-aaral ngayong unang araw ng pasukan ng school year 2026-2027.
15:32Isa ang sitihay sa mahigit 2,200 na mga paralan sa Davao Region na nagbukas ngayong araw.
15:41Maagang nagsidatingan ang mga guro at mga estudyante ng Davao City National High School
15:46para sa unang araw ng pasukan ngayong bagong school year.
15:49Mismong ang kanilang principal na si Pam Evelyn Magno at sumalubong sa mga estudyante.
15:53Alas 5.45 ng umaga ng opisyal na nga nguyen-alcome ng school personal
15:58ang mga mag-aaral sa kanilang unang flag racing ceremony.
16:01Ito ang may pinakamalaking populasyon ng mga estudyante sa Davao City.
16:05Sa huling tala, umabot sa 13,500 ang enrollees ng City High
16:10na kinabibilangan ng Junior at Senior High School.
16:13Ayon sa pamunuan ng paaralan, bagamat nagsimula na ang opening block ngayong araw,
16:17ay tumatanggap pa rin sila ng enrollees,
16:19lalo na yung mga old students na hindi pa nakapag-enroll dahil kagagaling lang sa bakasyon.
16:25Kagaya ng iba pang pampublikong paaralan,
16:27shifting pa rin ang pasok ng mga estudyante dito sa Davao City National High School
16:31may morning at afternoon shift at late afternoon shift.
16:36Susan, inasahan naman ang pamunuan ng Davao City National High School
16:39na aabot sa 15,000 ang kanilang learner population ngayong school year.
16:44Yan ang latest. Balik sa iyo, Susan.
16:45Maraming salamat, Argyl Relator ng GMA Regional TV.
16:57Nagpapagaling na si The Secrets of Hotel 88 stars Josh Ford
17:01matapos sumaidalim sa nasal and ear surgery.
17:05Pino si Josh itong weekend ang picture niya sa Facebook matapos sumaidalim sa operasyon.
17:10Sabi ni Josh sa caption,
17:12naging successful ang kanyang operasyon at praying for smooth recovery.
17:17Nagpasalamat din si Josh sa mga kaibigan at fans na nagpaabot ng pagmamahal at suporta sa kanya.
17:23Napapalad si Josh sa GMA Prime na The Secrets of Hotel 88 bilang si Justin Almazan.
17:28Almazan.
Comments

Recommended