Skip to playerSkip to main content
38 OFWs are among the crew of ships attacked in the Persian Gulf and Strait of Hormuz amid the ongoing conflict between the US, Israel and Iran, according to the Department of Migrant Workers.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:0038 Pilipino crew ang apektado ng mga pag-atake sa mga barko.
00:05Sa ginapoyan ng Sigalot, sa pagitan ng Amerika, Israel at Iran.
00:09Ayon po yan, sa Department of Migrant Workers.
00:12At sa ulat ng Reuters, hindi bababas sa 6 na barko
00:15ang nakaranas ng pag-atake sa Persian Gulf,
00:18sa bahagi ng Iraq at United Arab Emirates.
00:21Ganyan din sa Strait of Hormuz.
00:23At yan po yung makitid na daanang nasa pagitan ng mga bansang Iran at Oman.
00:27Imiugnay nito ang Persian Gulf at ang Gulf of Oman
00:31palabas ng Arabian Sea at patungo sa Asia.
00:34Nasa 20% ng langis na kinukonsumo ng mundo
00:39ang dumadaan sa Strait of Hormuz.
00:41At dahil sa naiipit na supply, bonsod ng Sigalot,
00:45sumipa ang presyo ng krudo sa buong mundo.
00:49Yan po ang pinakamatinding oil supply disruption sa kasaysayan
00:53ay sa International Energy Agency o IEA.
00:57Kaya inaprubahan din ang paglalabas ng 400 milyong barilas
01:00ng reservang nangis.
01:02Pinakamalaking stock release sa kasaysayan ng organisasyon.
01:07Saksi si Darlene Cai.
01:13Napasabak sa malaking sunog ang mga bumberong malapit
01:16sa paliparan sa Baharin.
01:18Ayon sa gobyerno ng Baharin,
01:20pinunteriya umano ng Iran ang mga fuel tanks
01:22sa isang facility sa Muharraq madaling araw ngayong Webes.
01:28Kagabi, inatake din ang dalawang fuel tanker
01:31sa katubigan ng Basra, Iraq sa bahagi ng Persian Gulf.
01:34Batay sa mga ulat,
01:36mga Iranian boat na kinargahan umano ng pampasabog
01:38ang ginamit laban sa dalawang tanker na nagkakarga ng langis.
01:42Isa ang patay.
01:43Nagtigil operasyon na ang mga oil port ng Iraq
01:46habang patuloy ang operasyon ng mga komersyal na pantalan.
01:49Bago ito, apat pang barko ang inatake sa Persian Gulf
01:53at sa Strait of Hormuz, ang makipot na daanan ng mga barkong
01:56nagkakarga ng langis mula sa Middle East.
01:59Gayet ng militar ng Iran,
02:01hindi sila papayag na may makalusot na langis
02:04na para sa Amerika, Israel o mga kaalyado nito.
02:07Kahit anong barkong may cargo o langis na para sa mga naturang bansa,
02:11ay ituturing daw ng Iran na lehitimong target.
02:15Mensahe ng Iran sa Amerika,
02:16maghanda daw na umabot ang langis sa $200 per barrel.
02:22Batay pa sa mga ulat,
02:24pinatamaan din ang mga drone ng imbakan ng langis
02:26sa Salala Port na nasa timog na bahagi ng Oman.
02:30May mga bumagsak din drone sa Dubai.
02:36Sa Tel Aviv, Israel,
02:38muling inintercept ng mga missile na galing umano sa Iran.
02:42Nagpaabot ng pakikiramay si Israeli President Isaac Herzog
02:46sa naulilang asawa ng Pilipinang nasawi sa isa sa mga pag-atake.
02:50Ayon sa Defense Minister ng Israel,
02:52palalawakin ang operasyon nila sa Lebanon
02:54kasunod ng pag-atake sa Israel kagabi ng Hezbollah na kaalyado ng Iran.
02:59Ayon sa International Energy Agency,
03:01nililikha ngayon ang kaduluan sa Middle East
03:03ang pinakamalaking oil supply disruption sa kasaysayan.
03:06Dahil sa pagkakaharang sa St. of Hormuz,
03:09inaasahang babagsak ng 8 million barrels kada araw
03:12ang global supply ngayong Marso,
03:14nakatumbas ng halos 8% ng kinokonsumong langis ng daigdig.
03:19Sa gitna ng pag-atake ng Iran sa mga barkos sa Gulf Region,
03:23muling tumaas ang presyo ng langis sa world market.
03:26Inaprubahan na ng member countries ng IEA
03:28ang paglalabas ng 400 million barrels ng reservang langis
03:31para maibsa ng taas presyo.
03:33Ito raw ang pinakamlaking stock release
03:35na inaprubahan nila mula ng itayo ang IEA noong 1974.
03:40Ang Amerika, maglalabas ng reservang 172 million barrels
03:44bilang bahagi ng napagkasunduan sa IEA.
03:47Nagsabi rin maglalabas ng oil reserves ang Japan.
03:50Ayon sa DMW, may mga Pilipinong tripulante
03:53na kumpirmadong apektado ng mga pag-atake.
03:5621 Pinoy seafarers ang sakay ng isang tinamaang barko,
04:0017 naman ang sakay ng isa pa.
04:0238 in all are safe and they are headed for safer port, safe port.
04:07And we are in touch with the manning agency and the ship owner
04:14in terms of bringing them to safer port
04:16and also other measures that will ensure their safety.
04:20Also reaching out to the families as instructed by the President
04:24in terms of assuring them of this good news, reassuring news.
04:29Sa ngayon, may 7,300 seafarers sa gitnang silangan ayon sa DMW.
04:35Binigyang diindi ni Kakdak na may right to refuse
04:38o karapatang tumangi ang mga Pilipinong crew member
04:40na maglayag sa Persian Gulf, Strait of Hormuz at Gulf of Oman
04:44habang nagpapatuloy ang gyera sa rehyon.
04:47Bahagi raw ng karapatang yan ang pagbibigay sa kanila ng dalawang buwang sahod
04:51at libreng repatriation o pagpapauwi sa Pilipinas
04:55alinsunod sa napagkasundoan ng International Maritime Labor Stakeholders.
04:59Patuloy pa rin hinahanap ang Pinoy seafarer na nawala
05:02ng tamaan ng missile ang sinasakyan niyang tugboat sa Strait of Hormuz
05:05noong nakaraang linggo.
05:07Sa gumugulong na investigasyon,
05:10nakakitaan na raw ng paglabag ang may-ari ng barko
05:12dahil hindi nila isinama ang Pinoy seafarer sa rehistro,
05:16sabi ni Kakdak.
05:17We continually hope and pray na makita siya
05:19and also the President has directed us to support the family,
05:24to be there for the family.
05:25So, I've been PY Kaunan and myself have sent our respective teams on the ground.
05:30Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
05:36Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:39Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
05:41para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended