Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hihintayin muna ni Pangulong Bombo Marcos ang report bago i-certify as urgent
00:04ang panukalang bigyan siya ng emergency powers para suspindihin o bawasan ang oil excise tax.
00:11Aprobado na po ang panukala sa ikalawang pagbasa sa kamera.
00:15Saksi, si Tina Panganiban Perez.
00:20House Bill 8418 is approved on second reading. Congratulations!
00:27Matapos ang halos dalawang oras na debate sa plenaryo ng Kamara,
00:31pasado sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8418,
00:35layo nitong bigyang kapangyarihan ng Pangulo na suspindihin o bawasan ang excise tax sa petrolyo
00:42kapag may national o global economic emergency.
00:45Ang pagkawalaan ng government revenue, bagamat masakit,
00:49ay hindi naman agad-agad ikababagsak ng ating ekonomiya.
00:53Ito'y kinakailangang sakripisyo para sa pamasahe ng mga manggagawa,
00:59kita ng mga tsuper o presyo ng isda at gulay sa palengke.
01:04Bago gamitin, kailangan may rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee
01:10na nakipag-ugnayan na sa Energy Secretary
01:13at dapat may presensya ng isa sa dalawang kondisyon.
01:16Yan ay kung umabot ng isang buwan na $80 per barrel ang Dubai Crude
01:21o kung may ideneclarang national emergency o calamity
01:25na sinertipikahan ng Energy Secretary
01:27dulot ng labis-labis na pagsipa sa presyo ng pump prices.
01:32Pwedeng full o partial suspension ang ipatupad,
01:35pero hanggang 6 buwan lang tatagal ang kada suspensyon.
01:39Ang Senado, hinihintay naman ang versyon ng Kamara
01:43ukol sa emergency powers para sa Pangulo.
01:46Just finalizing because may mga details lang tayo on when is the trigger,
01:52yung when will the President be given that authority to suspend or reduce the excise task,
01:57then when also will this authority end?
01:59Sa panayam sa Pangulo habang nasa New York,
02:02sinabi niyang hihintayin daw niya muna ang committee report ng Kongreso
02:06bago niya sertipikahang urgent
02:09ang mga panukalang bigyan siya ng emergency powers
02:12para suspindihin o bawasan ang excise tax
02:15na sinisingil sa mga inaangkat na produktong petrolyo.
02:19What we asked of the legislature is really very simple is that
02:23when the price of oil, at least this is the original version,
02:28when the price of oil has breached $80 per barrel
02:32on average for a month,
02:35then the emergency powers can be exercised.
02:39Does that mean that you will necessarily do it?
02:41But it can be exercised by the President.
02:46Yun lang ang hiningi.
02:47Kirit din ang ilang kongresista.
02:50Ang mas nagpapatindi po sa damdamin ng ating mga kababayan
02:54ay sobra-sobra at patong-patong yung mga pagbabuwi sa atin.
02:58I'm calling for not only the suspension,
03:01but the total repeal of 12% bath as well as excise taxes on oil.
03:06Tingnan po natin, yung dalawang buwis sa pinang oil ay halos 15 pesos per liter po yung nakapatong.
03:16Kaya kung titignan po natin,
03:19kung kami po ay nagkukonsume ng 30 liters per day,
03:24ay halos 1,000 maigit na yung nawawalang kita sa hanay po ng mga driver.
03:30Hindi lang dapat isa-stacks yung tanggalin at dapat tanggalin din po yung VAT.
03:38Base sa projections ng Department of Finance,
03:41mahigit 16 billion pesos ang kikitain ng pamahalaan sa VAT
03:45kung aabot ng 80 US dollars per barrel ang Dubai crude.
03:49Aakit ang kita sa mahigit 27 billion kung sasampa sa 90 US dollars per barrel ang Dubai crude.
03:57Pag umabot ito sa 100 US dollars per barrel,
04:01mahigit 38 billion pesos naman ang kita.
04:03Sa pulong ng House Committee on Transportation,
04:06sinabi ng Department of Finance na pwedeng gamitin ang pondo sa mga subsidy.
04:11This will be used for targeted subsidies.
04:14Actually, it will need legislative support.
04:16Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Pangaliban Perez, ang inyong saksi.
04:23Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:26Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments

Recommended