00:20Do not do drugs.
00:24My campaign against drugs will not stop until the last push.
00:29Sir, and the last drug lord are killed.
00:33May patayan, but it was not state-sponsored killing.
00:39By virtue of the warrant of arrest issued by the ICC.
00:46Pagbayaran niya lahat yung mga dapat pagbayaran niya.
00:50Rodrigo Roa Duterte.
01:053 babaeng hukom ang mga ngasiwa sa confirmation of charges hearing
01:10na dating Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula ngayong araw.
01:14Sila ang magdedesisyon kung itutuloy ba ang kaso sa paglilitis o hindi.
01:19Ang mga hukom ay sina Yulia Motok, Rene Alapini Ganzu, at Maria del Socorro Flores Liera.
01:29Ano nga bang proseso ng confirmation of charges hearing?
01:33Darito ang UB Explainer.
01:47Halos isang taon mula noong arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:52at dalhin sa The Hague Netherlands para iharap sa International Criminal Court.
01:56Mamaya, sisimulan na ang confirmation of charges hearing para sa mga kaso niyang crimes against humanity.
02:03Kaugnay sa kanyang drug war mula 2011 hanggang 2019.
02:07Ano nga ba ang confirmation of charges hearing at para saan ito?
02:11Hindi pa ito ang mismong trial o paglilitis.
02:15Sa pagdinig na ito, susuriin kung malakas ba ang mga ebedensya ng prosekusyon.
02:20Tatlong counts ng crimes against humanity sa murder at attempted murder ang kinahaharap ni Duterte.
02:25Pakikinggan din ang pananaw rito ng defense team, pati ang panig ng mga biktima.
02:29Dapat, September ng nakaraang taon pa ang confirmation of charges hearing
02:33pero ipinagpaliban ng ICC dahil ayon sa kampo ni Duterte,
02:37hindi fit to stand trial ang dating Pangulo.
02:40Batay naman sa assessment ng independent medical experts na pinadala kay Duterte,
02:44fit ang dating Pangulo na humarap sa hearing.
02:48Ang schedule ng confirmation of charges hearing ngayong araw, bukas, sa Webes at Biernes.
02:55Kada araw, tatlong oras lang ang pagdinig.
02:57Bawat isang oras, magkakaroon ng break para makapagpahinga ang dating Pangulo ayon sa ICC.
03:03Sa schedule mamaya, babasahin kay Duterte ang mga akusasyon sa kanya.
03:07May opening statements ang prosecution, depensa, at ang common legal representatives of the victims o ang panig ng mga biktima.
03:14Ting tatlongpong minuto ang inilaan para sa kanila.
03:17Bago matapos ang unang araw, may isang oras ang prosecution para sa kanilang submissions on the merits o argumento sa
03:23mga ebidensya.
03:25Bukas, bukod sa pagpapatuloy ng submissions on the merits ng prosecution, may isa't kalahating oras din para sa mga abogado
03:31ng mga biktima.
03:32Sa Webes, nakalaan sa depensa ang tatlong oras para naman sa kanilang argumento.
03:37Sa huling araw ng confirmation of charges hearing, may tatlongpong minuto pa muli para sa submissions on the merits ng
03:44depensa.
03:45Kasunod niya ng tingkalahating oras na closing statements ng ICC, prosecution, Duterte Defense Team, at CLRVO panig ng mga biktima.
03:54Sa dulo, isang oras tatalakain ang pagdetain kay Duterte.
03:59May anim na pong araw ang mga hukom para maglabas ng desisyon matapos ang pagdinig.
04:03Pwede nilang i-confirm ang isa o lahat ng charges at tutuloy na sa paglilitis o kaya i-deklarang hindi
04:09sapat ang mga ebidensya at ibasura ang kaso.
04:12Pwede rin silang humiling ng karagdagang ebidensya at investigasyon o i-extend ang pre-trial period.
04:18Ano man ang desisyon ng mga hukom, may pagkakataon ng prosekusyon o defense team na magpasa ng kanilang apela.
04:25Ito ang unang balita, Bam Alegre, para sa GMA Integrated News.
04:32Alas 5 po ng hapon, oras sa Pilipinas, o alas 10 pa ng umaga, oras sa Daheg.
04:37Magsisimula ang confirmation of charges hearing ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:44Update tayo mula mismo sa Daheg. May unang balita, lay. Magkasama natin si Maris Umani.
04:51Maris!
04:55Good morning, Ivan. Magandang umaga mula rito sa Daheg, Netherlands.
05:00At pasado alas 12 na nga ng hating gabi dito sa Daheg.
05:06At sa loob na lamang ng kulang 10 oras ay magsisimula na nga ang makasaysayang confirmation of charges hearing
05:14para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dito sa pre-trial chamber 1 ng International Criminal Court.
05:20Sa unang araw pa lang, Ivan, mga kapuso, nitong pagsisimula ng confirmation of charges hearing
05:28ay babasahin ang mga sakdal sa dating Pangulo, babanggitin din yung mga obserbasyon ng depensa
05:35at isa-isang mabibigyan ng pagkakataon na magbigay ng kanilang mga opening statements
05:39ang prosecution, council of victims, pati na rin ang depensa.
05:43At bukas din magsisimula yung submission on merits ng prosecution.
05:49Bagamat structured na o may schedule na yung mangyayari sa confirmation of charges hearing,
05:55eh of course, meron pa rin puwang para sa fluidity.
05:59O ibig sabihin, pwede pa rin kahit na anong mangyari na yun yung talagang babantayan natin.
06:04At bukas din natin makikita kung sino-sino pa yung mga personalidad
06:07na dadalo dito sa confirmation of charges hearing ng dating Pangulo,
06:12gayon din yung mga assembly of states na miyembro ng International Criminal Court
06:17na dadalo dito sa confirmation of charges hearing.
06:20Narito po ang aking balita.
06:26Magsisimula na ang hearing ng confirmation of charges laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
06:31Naharap siya sa tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder,
06:36punsood ng madugong kampanya kontra droga.
06:39Mula noong mayor pa siya ng Davao City hanggang naging Pangulo ng Pilipinas.
06:44February 23, 24, 26 at 27, itinakda ang confirmation of charges hearing.
06:51Ayon sa ICC, hindi ito paglilitis.
06:54Magde-desisyon ng pre-trial judges kung may sapat bang ebedensya para isakdal ang dating Pangulo.
07:00Naunang pinagbigyan ng ICC Pre-Trial Chamber 1 ang petisyon ni Duterte
07:04na siya'y lumiban o hindi humarap sa pagdinig.
07:08Pinahintulutan naman ang chamber ang paglahok sa pagdinig ng mahigit limanda ang biktima.
07:13Dadalo rin sa pagdinig ang prosecutor, defense team ng dating Pangulo
07:17at legal representatives na sina Atty. Joel Butuyan at Atty. Gilbert Andres
07:21na ibinigay ng ICC para sa mga biktima.
07:24Habang tatayong case manager ng mga biktima, si Nicolene Arcana.
07:28Pero umapila sa desisyon ng ICC and Defense Council ng dating Pangulo na si Nicholas Kaufman.
07:34Kiniling niya ang pagdisqualify sa mga abogado at case manager ng mga biktima
07:38dahil umano sa conflict of interest na posibleng raw makaapekto sa pagsasakdal.
07:44Pagkatapos ng pagdinig ngayong linggo, may 60 araw ang pre-trial judges
07:48para pag-aralan ang mga ebedensya at magbigay ng desisyon.
07:56Ivan, mga kapuso, medyo unique nga po yung sitwasyon, yung confirmation of charges hearing
08:00ng dating Pangulo dahil sa kanyang kalagayan para ma-accommodate yung kanyang sitwasyon
08:04ay magtatagal lamang ng tatlong oras kada araw yung hearing at hindi rin po tuloy-tuloy.
08:10So may break every after an hour para rin po talagang mabigyan ng pagkakataon yung kanyang sitwasyon.
08:18Although, nag-desisyon na nga po ang pre-trial chamber 1 na payagan ang dating Pangulo
08:25na hindi dumalo bukas sa kanyang confirmation of charges hearing.
08:29At dahil na rin sa kanyang sitwasyon, apat na araw lamang gaganapin itong confirmation of charges hearing
08:34Monday, Tuesday, Thursday, and Friday. So may break po sa gitna ng linggo para na rin po sa kanyang sitwasyon.
08:41Samantala, bago po nakatakdang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
08:47ay nagtipon-tipon po sa labas ng International Criminal Court
08:51ang mga kaanak ng mga biktima at ilang pong mga grupong sumusuporta sa kanila
08:56para manawagan po ng justisya at panagutin ang dating Pangulo
09:02sa mga kasong crimes against humanity na matagal na raw po nilang inaasam na makamit.
09:08Narito po ang aking unang balita.
09:11Duterte, panagutin!
09:13Duterte, panagutin!
09:14Yan ang sigaw ng mga kaanak na mga biktima ng war on drugs na nagtipon sa labas ng International Criminal
09:21Court
09:22sa bisperas ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
09:26Bitbit na mga nagprotesta ang mga larawan at naiwang gamit ng mga yumaon nilang mahal sa buhay
09:32na biktima ng extrajudicial killings para ipaalala raw ang sakit kasabay ng panawagan
09:37at dapat panagutin ang dating Pangulo sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
09:42No more lives!
09:44Attempt for your crimes!
09:45Attempt for your crimes!
09:47Tatlong counts of crimes against humanity of murder and attempted murder
09:51ang kinakaharap ni Duterte sa pre-trial Chamber 1.
09:54Una, para raw sa labing siyam na pagpaslang na iniuugnay sa Davao Death Squad sa Davao City
09:59nung si Duterte pang mayor doon.
10:02Pangalawa, para naman sa labing apat na pagpaslang sa tinaguri ang high-value targets
10:06nung siya pang Pangulo na'y pinatupad sa pamamagitan umano ng mga police at state-length organizations.
10:12At pangatlo, para sa apat na putlimang pagpaslang at tangkampagpaslang daw
10:16sa barangay clearance operations habang umiira lang nationwide war on drugs.
10:21Ayon sa mga pamilya ng mga EJK victim, matagal nilang hinintay ang araw na ito.
10:26Nagbibigay raw ito ng pag-asa sa kanila matapos ng ilang taong pagdadalamhati at kawalan ng katiyakan.
10:32Kabilang sa kanila si Lory Pasco, na nawalaan ng dalawang anak na sila Chris Santo Antonio at Juan Carlos
10:38noong panahon ng Administrasyon Duterte.
10:41Ang sabi niya ngayon, matanda na siya, nahirapan na siya, pero ang sagot ko sa kanya,
10:48parehas naman tayong matanda, pero ako hindi nagsasawa, hindi pa ako napapagod
10:53hanggat makamit namin ang hostisya para sa lahat ng mga biktimang binaslan.
10:59Di ba kanina mulan? Ngayon nagpakita ang araw. Ibig sabihin, nakikita na po namin ang liwanag ng hostisya.
11:09Nanawagan din siya sa mga Pilipino, mga OFW at sa international community
11:13na patuloy silang samahan sa paghahangad ng hostisya sa anila'y mahaba at masalimut na proseso.
11:20Dumalo rin si Shira Escudero na nawalan ng 18 anyos na kapatid na si Efraim noong 2017.
11:25Mula sa Pilipinas, lumipad siya papunta rito sa the Netherlands kasama ang Rise Up for Life and for Rights para
11:32saksihan ng pagdinig.
11:34Efraim was found with his head, found with packaging tape, his head dotted with bullet wounds,
11:40his head hog tied and his legs tied as well, thumped on a patch of grass.
11:46That's how we found my brother. But before that, he also went disappeared. Police just found him.
11:54He was dumped 100 kilometers away from our place. So we experienced a lot of pain and trauma looking for
12:03my brother
12:04until find him lifeless.
12:07Sa kabila ng hirap na balikan ang masasakit na alaala, sabi ni Escudero na pinili nilang humarap sa ICC
12:13para patunayang totoo ang kanilang mga kwento.
12:16Umaasa siyang tuluyang makukumpirma mga sakgal at hahantong ito sa paglilitis at pananagutan.
12:22Para sa mga pamilya, ang confirmation of charges hearing ay hindi lang isang legal na proseso,
12:27kundi isang hakbang patungo sa matagal na nilang ipinaglalabang hostisya.
12:31Yan ang unang balita. Mariz Omali para sa GMA Integrated News.
Comments