00:00Bubuo na ang pambansang polisya ng isang special investigation group katuangan CIDG para tutukan
00:05ang tangkang pagpaslang sa Alkalde ng Sharif Agwak sa Maguindanao del Sur.
00:11Ang iba pang detalye sa report ni Ryan Lesigues.
00:24Animoy eksena sa isang pelikula,
00:26ang pananambang kay Sharif Agwak Mayor Ahmad ang patuan nitong linggo.
00:30Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang puting minivan na ito.
00:34Maya-maya pa, lumabas ang lalaking ito na may daladalang rocket-propelled grenade o RPG
00:39habang nakabantay din ang isa pang lalaki na may hawak na mataas na kalibri ng armas.
00:45Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita ang itim na SUV na ito na siyang target pala ng mga suspect.
00:52Maswerte namang hindi nasa pool ng RPG.
00:54Ang sasakyan ng Alkalde, kung kaya't nagawa pa nitong makalayo sa crime scene.
00:59Sa isang follow-up operation ng PNP, napatay ang tatlo sa apat na suspect, kabilang ang leader nila.
01:05Yung pagbabahan ng dalawang member ng Mobile Force,
01:08pinutukan po nila at sila po ay nagantihan nung nasabing dalawang polis po
01:12at kapag set up po ang checkpoint yung Armed Forces of the Pilipid.
01:16Luman na ba sa inisyal na imbistigasyon na leader ng Gun for Hire Group,
01:20si alias Raprap at mga kamag-anak niya, ang ibang suspect?
01:24Kumukuha siya po ng mga ebidensya kung ito po ay mga hired killers.
01:28Bakit ang alias Raprap po, yung suspect na meron po natin,
01:33ay may tatlong previously po issued na warrants of arrest.
01:36Ito po ay warrants of arrest para sa kasong murder at robbery by ban noong 2023
01:42at violation ng community gun bus.
01:44Si PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatis Jr.,
01:49inatasan na ang Directorate for Investigation and Detective Management
01:52at Directorate for Intelligence, katuwang ang CIDG at Police Regional Office Bar
01:58na bumuo ng Special Investigation Task Group para tutukan
02:02ang imbistigasyong tangkang pagpaslang sa Alkalde.
02:06Bilin ni Nartatis, alamin ang motibo at panagutin ang nasa likod ng krimen.
02:10Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Randolph Tuano,
02:15personal na pinulong ni Nartatis ang mga unit upang matukoy ang motibo
02:19at makabuo ng matibay na kaso laban sa mga responsable.
02:23Hindi ani ahahayaan ang PNP na maging Wild West ang probinsya,
02:27kabilang din sa tinitingnan kung saan galing ang RPG na ginamit sa pananambang.
02:32Kasabay nito, paigtingin ang PNP ang kampanya kontra loose firearms sa buong BARMM.
02:38Ito na ang ikaapat na tangkang pagpaslang kay Mayor Ampatuan,
02:43Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments