00:00Binigyang diin ng Malacanang na walang kinalama ng administrasyon sa inihain impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09Nananatili rin kumpiyansa ang Pangulo na wala siyang nagawang impeachable offense.
00:13Yan ang ulit ni Kenneth Paciente.
00:17Hindi na babahala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inihain impeachment case laban sa kanya.
00:23Sabi ng palasyo, kumpiyansa ang Pangulo na wala itong nagawang anumang impeachable offense, lalo't nagtatrabaho ang presidente ng naaayon sa konstitusyon.
00:32Hindi naman po siya nababahala dahil alam po niya na wala siyang ginawa ng impeachable offense na maaaring masabi na siya ay dapat managot.
00:41Alam po niya, muli siya naman ay nagtatrabaho ng naaayon sa konstitusyon at naaayon sa batas.
00:46Kasunod nito, binigyang diin ng Ehekutibo na walang kamay ang pamahalaan sa inihain impeachment complaint laban sa Pangulo.
00:53Kasunod ito ng naging pahayag ni Davao City First District Representative Paolo Duterte na scripted distraction lamang ito para ilihis ang atensyon ng publiko mula sa anomalya sa flood control projects.
01:05Definitely none. Kaya nga sabi natin, hindi po tayo sangkot sa anumang pagplanta ng ebedensya katulad ng ginawa ng kanyang ama.
01:16Sila lamang po yata ang sanay sa ganon.
01:18So sa panahon po ni Pangulo Marcos Jr., nire-respeto po natin ang konstitusyon, ang proseso at ang due process.
01:25Sinalag din ng palasyo ang sinabi ng kongresista na ang abogadong naghanda ng impeachment complaint ay siya ring abogado ni First Lady Lisa Araneta Marcos sa isang disbarment case.
01:35Yan po ay walang katotohanan.
01:39So sana po ay matapos na ang pagiging source of fake news ng mga kaalyado nila.
01:45Dahil ang First Lady po ay hindi po nagsasampa ng disbarment case, hindi po niya abogado na sabi nagsampa ng impeachment complaint sa Pangulo.
01:57At kung nagsampa man siya na yung disbarment case, ito ay on his own volition.
02:03So hindi po niya nire-represent ang unang ginawa.
02:07So that's fake news.
02:08Hindi naman itinuturing ng palasyo na bentahe para sa Pangulo ang inihaing impeachment dahil wala ng ibang reklamong maaaring tanggapin sa loob ng isang taon alinsunod ito sa one-year bar rule ng konstitusyon.
02:22Punto nito, hindi ito makatutulong sa imahe ng bansa.
02:25Hindi po natin masasabing ang pagpa-file ng impeachment complaint paunahan ay bentahe sa Pangulo.
02:31Kahit sino pa po ang nag-file niyan, hindi maganda sa imahe ng Pangulo na siya ay masampahan ng impeachment complaint.
02:39Hindi rin po ito maganda sa pananaw ng mga ekonomista sa ating ekonomiya dahil nakikita po may mga taong di umano na hindi satisfied or negatibo sa pagtatrabaho ng Pangulo.
02:55Wala pang impormasyon ngayon ng palasyo kung nagkausap na ang Pangulo at ang presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos patungkol sa inihaing impeachment complaint.
03:05Pero kumpiyansa ang malakanyang na magiging patas patungkol dito ang kongresista.
03:10Lagi naman pong utos ng Pangulo sa kanyang anak, gawin lang ang kanyang trabaho.
03:16Hindi pwede rito ang kamag-ana, kaalyado.
03:19Kung ano po ang mandato ni Congressman Sandro, ipatupad niya po yun.
03:25Wala dapat siyang kinikilingan kahit ama niya po ang masasabing mahalalagay dito sa impeachment complaint.
Comments