Skip to playerSkip to main content
-PAGASA: Low Pressure Area sa silangan ng Mindanao, Tropical Depression Ada na/PAGASA: Bagyong Ada, may tsansang mag-landfall sa Eastern Visayas; magpapaulan din sa Bicol Region/PAGASA: Thunderstorm Watch, nakataas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang mamayang 10pm


-Cebu CDRRMO: 16 na ang huling bilang ng patay sa gumuhong landfill; 20, hinahanap/Cebu City, isinailalim sa State of Calamity kasunod ng pagguho ng landfill sa Brgy. Binaliw


-P26,000 halaga ng portable speakers, tinangay ng dalawang lalaki mula sa isang shop


-Motorcycle rider na walang helmet, patay matapos makasalpukan ang isa pang motorsiklo sa Brgy. Cabaruan; 2 iba pa, sugatan


-Babae, nailigtas sa pagkalunod habang lumalangoy sa dagat


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:00Mainit na balita, bagyo na po ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Mindanao.
00:11Tinawag yang Tropical Depression Ada, ang unang bagyo ngayong 2026.
00:16Namataan po ng pag-asa ang bagyong Ada, mahigit 700 km silangan ng Davao International Airport, Davao City.
00:24Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 44 km per hour.
00:28Base sa bangunang datos ng pag-asa, lalapit at magpapaulan sa Kalaga Region at Eastern Visayas ang bagyong Ada sa mga susunod na araw.
00:38Maghanda rin po sa bagyo ang mga taga-bicol, lalo na yung mga mayon evacuee.
00:43Tataas ang banta ng baha, landslide at lahar flow.
00:47May posibilidad na mag-landfall ang bagyong Ada sa Eastern Visayas sa Biernes o Sabado pagkatapos po niyan, ililihis na ito at lalayo sa bansa.
00:56Sa ngayon, magpapaulan na ang trough o buntot ng bagyong Ada sa may Eastern Visayas, Davao Region, Karaga, Kamigin,
01:06Misamis Oriental at Bukidnon.
01:08Bukod po sa bagyo, may tsyansa na rin ng ulan sa ilan pang panig ng bansa dahil sa hanging amihan at Easter Dees.
01:16Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, uulanin sa mga susunod na oras ang ilang bahagi ng Cagayan Valley Region, Cordillera,
01:25Central Luzon, Quezon Province, Mimaropa Region, Southern Leyte, Karaga, Davao Region, Soxargen at BARMM.
01:37Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch dito sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
01:44Hanggang mamayang alas 10 ng gabi at posibleng makaranas po ang mga nasabing lugar ng biglaang ulan na may pagkulog at pagkidlat.
01:53Ngayon pong Merkoles, naitala sa City of Mines, Baguio ang 15.6 degrees Celsius na minimum temperature,
02:00habang 23.2 degrees Celsius dito naman po sa Quezon City.
02:04Isa pang mainit na balita, labing-anim na ang huling bilang ng nasawi sa pagguho sa landfill sa barangay Binaliw sa Cebu City.
02:18Ayon sa Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, dalawang pupaho ang pinaghanap, labing-walo naman ang sugatan.
02:26Patuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad.
02:30Kahapon, isinailalim sa state of calamity ang Cebu City, kasunod ng pagguho.
02:36Naglaan na ng 30 milyong pondo ang lokal na pamahalaan para resolbahin ang isyo tungkol sa waste management at search and rescue operations.
02:46Huli kam sa Rodriguez Rizal ang pagnanakaw sa isang tindahan ng appliances.
02:53Nang walang makitang pera sa kaha, pinuntiran niya ang tindang portable speakers.
03:00Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
03:05Kuha sa CCTV ang dalawang lalaking nakasuot ng helmet na lumapit sa roll-up door ng isang appliance shop sa barangay Burgos Rodriguez Rizal madaling araw nitong lunes.
03:16Sumampa ang isa sa balikat ng kanyang kasama para patayin ang ilaw.
03:20Dumilim ang sumunod na kuha sa kamera.
03:22Sinubukan na raw ng mga salari na buksan ang pinto ayon sa empleyado ng shop.
03:27Meron po silang dalang bull cutter para po ma buksan yung roll-up.
03:32And then nung after po na buksan po, doon na po sila nag-isip na banggain po yung glass door.
03:39So hanggang sa masira po yung glass door.
03:40Sa unang beses na pagbangga ng motorsiklo, hindi nabuksan ang pinto.
03:45Sinubukan itong sirain ang isa pang lalaki.
03:48Ngayon may lalaki na kayo, helmet na ka-motor eh.
03:50Bilangga ulit.
03:51Bilangga ulit.
03:52Nang makapasok, agad dumiretsyo ang isang lalaki sa kaha ng shop.
03:57Nung pag halongkat po nila, wala po sila nakitang pera.
04:01And then pumunta po siya sa may selling area.
04:05And then doon yun na po naisipan na kumuha na lang po ng speaker, portable speaker.
04:10Ano, dalawang speaker.
04:13Boom, yun nandito.
04:15Bumalik ang lalaki at kumuha ng isa pang speaker.
04:19Kinaumagahan na nang malaman ng empleyadong si Michael na ninakawan ang kanilang shop.
04:23Nakita ko po ma'am na binulat-lat na po.
04:26Kumbaga winasak na po nila yung sa roll-up.
04:29And then yung pambaba po namin ng roll-up ma'am is baluktot na ma'am.
04:33And then pag-angat ko po ng roll-up and then nakita ko po dun ma'am, bukas na po yung glass door.
04:37Abot daw sa 26,000 pesos ang halaga na mga portable speaker na natangay ng mga salarin.
04:44Ito po yung appliance shop na nilooban.
04:47Ito po yung ilaw na pinatay ng riding in tandem.
04:50At yung sinira po nila na roll-up door na ngayon ay kagagawa lang.
04:55Ayon sa mga empleyado, ilang araw bago ang insidente ng panluloob,
05:00isang lalaki ang nakita nilang umaali-aligid sa lugar.
05:03Kita sa CCTV ang isang lalaking tila inaabot ang ilaw sa harap ng shop bago ang pagnanakaw.
05:11Ilang katabing establishmento ng appliance shop gaya ng bakery at drugstore na rin daw ang nilooban kamakailan lang.
05:18Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanla ng mga salarin.
05:22Tuloy-tuloy naman po din yung pagkipagugnayan namin sa PNP,
05:26tsaka dun sa tao na kung ano yung mga pwede pa namin maitulong sa kanila.
05:30Binabalaan namin sila. Pag nakuli namin sila dito, pasensyaan na lang.
05:35Talagang pakukulong po namin sila.
05:37E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:43Ito ang GMA Regional TV News.
05:49Oras na para sa mayiinit na balita ng GMA Regional TV mula sa Luzon.
05:54Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa Ordaneta, Pangasinan.
05:59Chris, ano ang dahilan ng aksidente?
06:04Connie, nakasalpukan ang biktima ang isa pang motorcycle rider sa barangay Kabarwan.
06:11Ayon sa pulisya, dead on arrival sa hospital ang biktima matapos na mabaguk ang ulo sa kalsada.
06:16Wala siyang suot na helmet pati na ang nakasalpukang rider.
06:20Sa tingin ng pulisya, may posibilidad ding hindi nakalkula ng dalawa ang daan na maaring dahilan ng salpukan.
06:27Patuloy namang ginagamot sa ospital ang dalawang sakay ng nakasalpukang motor ng biktima.
06:32Sinisikap ang makuna ng pahayag ang kaanak ng nasa wing rider at iba pang sangkot sa nangyari.
06:38Sa La Union naman, nailigtas sa muntikang pagkalunod ang isang babae habang lumalangoy sa dagat sa San Juan.
06:44Sa video, kita ang pagresponde ng tauhan ng Philippine Coast Guard sa labing-anim na taong gulang na hinahampas ng malalakas na alon.
06:54Nahila rin siya pabalik sa dalampasigan matapos na malapitan ng rescuer.
06:59Napansin ang Coast Guard personnel na nahihirapang makabalik sa dalampasigan ng biktima kaya agad siyang nagsagawa ng rescue operation.
07:06Isinailalim sa medical assessment ang dalagita at nasa maayos ng kalagayan.
07:11Isinailalim sa dalampasigan.
Comments

Recommended