00:00Ma'am, noong first time na lumabas yung issue ng impeachment against Vice President Sara Duterte,
00:08it was clear that the President does not want it to push through.
00:13Ganun pa rin po ba ang posisyon ngayon ng Pangulo tungkol naman dun sa bantang impeachment against the Vice President?
00:20Noong nakarang linggo po ay nakausap natin mismo ang Pangulo at tinanun natin dyan.
00:23Dahil sinabi po natin, tinatanunan po ng MPC kung ano ang inyong magiging reaksyon sa mga nabababalitang magsasampa ng impeachment complaint laban kayo sa Vice Presidente.
00:35Ang tanging tugon lamang niya sa akin ay kung ano po ang pagtrato sa pag-iimbestiga sa flood control projects, mga anomaliyang flood control projects.
00:47Ganun din po ang gawing pagtrato sa paggagawa o sa pag-iimbestiga patungkol dito sa impeachment complaint laban kay VP Sara.
00:57Follow-up question mula kay Ace Romero, Philippine Star.
01:05Yusek, may I just go back to your statement quoting the President about the impeachment kay VP Sara.
01:11Kung ano man ang pagtrato sa pag-iimbestiga sa flood control projects, ganun din ang pagtrato sa pag-iimbestiga sa impeachment complaint.
01:19May we get an elaboration on that?
01:23Ibig sabihin, managot ang dapat managot.
01:25Ano po ba ang laging sinasabi patungkol sa mga maanumaliyang flood control projects?
01:30Kung may issue, kung sangkot, dapat managot.
01:33Ganun din po ang dapat na itrato natin sa impeachment complaint.
01:36Kung isasama po ito laban sa Vice Presidente.
01:38So, balikan ko alin din yung tanong. May explicit po bang pahayag ang Pangulo kung kanyang susuportahan o mananatili siya sa kanyang stance na magiging hadlang ang impeachment sa pagpasa ng priority bills ng Kongreso?
01:53Wala po yata siyang sinabi na impeachment magiging hadlang.
01:58Yung dati, sinabi niya dati.
02:00Iyon po ang sinabi ng Pangulo.
02:04We can read between the lines.
02:07Dapat natin itrato ang impeachment complaint kung maisasampa,
02:12katulad ng pantrato sa masinsinan at malawakang pag-iimbestiga sa mga anumaliyang flood control projects.
02:20So, it's accurate to say that the President will not stop the filing of another impeachment against the Vice President?
02:27Igagalang niya po ang proseso.
02:29Kung ang prosesong iyan ay dapat masampa,
02:31ayon sa mga ebidensya,
02:34igagalang po ng Pangulo ang proseso.
Comments