00:00Pusibleng sa isang linggo pa, matanggap ng Malacanya ang enrolled version ng General Appropriations Bill.
00:05Pero ngayon pa lang, pinaghahanda na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang team
00:10na hihimay sa panukalang 2026 National Budget, inang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:17Para matiyak ang malinis at maayos na budget para sa susunod na taon,
00:22pinakikilos na ngayon pa lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:25ang team na masusinghihimay sa 2026 Proposed National Budget.
00:29Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez,
00:33gugugol ng panahon sa pagtatrabaho kahit sa panahon ng bakasyon ang Pangulo para matutukan ang budget.
00:39Katunayan ngayon pa lang, inatasan na ng Pangulo na ihanda ang mga kinaukulang individual
00:43para agad nasuriin ang lahat ng halagang na pagkasunduan
00:47at ang mga kaukulang probisyon sa Bicameral Conference Committee,
00:50gayon din ang mga pagbabagong ginawa kumpara sa orihinal na isinumiting National Expenditure Program o NEP.
00:57Sabi ng kalihim na ang paghimay na ito sa proposed budget
01:00ay magsisilbing katiyakan na ang pera ng taong bayan ay magagamit ng wasto at efektibo
01:05at makatutulong sa pagtupad ng mga layuning panlipunan na mararamdaman ng lahat ng Pilipino,
01:11alinsulod na rin anya sa pahayag ng Pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address.
01:15Bagaman din na nabanggit ng PCO kung sino ang kabilang sa grupo para sa gagawing review,
01:20unan ang sinabi ng palasyo na magiging katuwang ng Pangulo
01:23ang Department of Budget and Management sa pagbusisi sa panukalang budget.
01:27Kung may kinakilangan pong tawagin ang Pangulo na mga cabinet secretaries para po mas malinaw,
01:37ipapatawag po sino man po ang kinakilangan na namumuno sa isang related agencies.
01:42Sa December 29 pa, inaasahan ang ratifikasyon na transmittal ng enrolled version ng General Appropriations Bill.
01:48Ibig sabihin, may dalawang araw lang ang Pangulo para busisiin ang panukalang pundo para mapirmahan bago matapos ang taon.
01:56Pero una ng tiniyak ng palasyo na sisiguruhin ng Pangulo na walang makalulusot na anumang kwestiyonabling insertion sa pambansang budget
02:03at naaayon ito sa pangangailangan ng mga Pilipino.
02:06Limitado man po ang panahon, ang sinisiguro po ng Pangulo ay aaralin mabuti ito.
02:12Kung may dapat i-vito, i-vito po ng Pangulo.
02:15Pinalawig na rin ang sesyon ng Senado hanggang December 29, 2025
02:18upang magkaroon ng sapat na panahon para sa ratifikasyon ng panukalang pambansang budget para sa 2026.
02:25Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng oras ang mga senador na maingat na suriin ang ulat ng Bicameral Conference Committee
02:31at tiyaking ito ay tapat na sumasalamin sa mga napagkasunduan ng Senado at ng House of Representatives sa kanilang Bicameral Deliberations.
02:39Matatanda ang itinuring ng Pangulo na Christmas Wish ang pagkakaroon ng good budget sa susunod na taon.
02:45Kenneth, pasyente para sa pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments