00:00Umabot na sa mahigit isang daang libong pamilya ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Tino.
00:06Tiniyak naman ang Department of Social Welfare and Development na sapat ang supply ng pinamamahaging tulong sa mga biktima ng kalamidad.
00:13Si Rod Lagusad sa Sentro ng Balita.
00:18Sa gitna pa rin ang pananalasa ng Bagyong Tino sa Visayas at kalapit na mga lugar, daandang libong mga individual ang apektado.
00:25Base sa tala ng Department of Social Welfare and Development, as of 6am, aabot na sa higit 330,000 katao o higit 102,000 na mga pamilya ang apektado ng Bagyo.
00:37Mula sa bilang na ito, pinakamataas ang ngayon tala sa Karaga na halos 160,000 katao.
00:42Sinundan ito ng Region 6 o Western Visayas na higit 133,000 na mga individual.
00:47Apektado din ang mga reyo ng Region 8 o Eastern Visayas, Region 7 o Central Visayas, Mimaropa, Bicol Region at Negros Island Region.
00:57Ayon sa DSWD, higit 53,000 na mga pamilya o higit 175,000 na mga individual ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.
01:07Pinakamarami sa bilang na mga nasa evacuation center ay sa Region 6 na sinundan ng Karaga, Region 8 at Region 7.
01:14Ayon sa DSWD, halos 3,000 kahuna ng mga family food packs as of 6 AM ang naipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyo.
01:23Kabilang dito ang Bicol Region, Western Visayas at Karaga.
01:27Ito ibahagi ng augmentation request ng mga lokal na pamahalaan.
01:30Ang mga ito ay nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyo.
01:34Samantala na mahagi naman ang DSWD Field Office 5 Bicol Region sa mga nastranded sa Matnog Port sa Sorsogon.
01:40Katulong ang Matnog LGU, nakapamahagi ang mobile kitchen ng DSWD ng hot meals para sa mga stranded na pasahero.
01:48Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.