00:00Kilos Protesta
00:30Sa UP Manila
00:31Pati sa harap ng Senado, may mga nag-rally rin bilang bahagi ng Black Friday protests.
00:37Ang panawagan nila, ilantad at panagutin ang mga sangkot na opisyal at kontraktors sa maanumalya umanong flood control projects.
00:46Ang iba pang detalya ng balitang yan, ihahatid namin maya-maya.
00:50Pinirmahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang kautosang bubuo ng Independent Commission for Infrastructure na mag-iimbestiga sa mga maanumalyang proyekto sa Pilipinas.
01:06Sa visa ng Executive Order 94, tatauhin ito ng isang chairperson at dalawang miyembro na dapat daw ay may napatunayan ng kakayahan, integridad at independence.
01:19Hindi lang flood control projects ang kanilang iimbestigahan, kundi pati na rin ang iba pang infrastructure projects sa nakaraang sampung taon.
01:27Kabilang sa kakayahan ng komisyon ang magsagawa ng mga pagdinig, magsupina ng mga tao at dokumento, patihingin ang resulta ng imbesigasyon ng Senado at Kamara.
01:38Pwede rin silang magrekomenda na magpatupad ng hold departure order, pag-freeze at pagsamsam sa assets na mga hinihinalang sangkot sa mga maanumalyang proyekto,
01:48pati ang pagrekomendang patawan ng preventive suspension ang mga idinadawit na opisyal ng gobyerno.
01:54Matapos ang imbesigasyon, inaatasan silang magrekomenda na mga isasang pangreklamo laban sa mga matutukoy na sangkot sa korupsyon.
02:06Kahit kapwa mambabatas, hindi raw pagtatakpan sa imbesigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamumuno ni Sen. Ping Lakson
02:14kabilang sa mga inaalam ngayon ay kung sino ang kinausap ng kinatawa ng isang construction company na nagpunta sa Senado noong August 19.
02:24Balitang hatid ni Ian Cruz.
02:30Masagasaan na raw kung sino ang dapat masagasaan.
02:33Yan ang tugon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Ping Lakson sa posibilidad na baka mambabatas
02:39ang mahagip sa paghahanap ng nag-insert umano ng mga item sa 2025 national budget.
02:47Isa sa inaasahang ipapatawag sa susunod na pagdinig sa Webes si Engineer Bryce Hernandez
02:52na naunang isiniwalad sa pagdinig sa Kamara na may P355M na ibinabao mo ng proyekto si Sen. Jingoy Estrada sa Bulacan
03:04at 30% umano ang SOP o kickback niya rito.
03:09Sagot dito ni Estrada.
03:10Wala kayong tatanda ng paano?
03:12I don't know.
03:15Sa dami ng mga mayors, mga governors, mga konsyahal na humihingi sa akin ng mga project,
03:24eh lahat, pinabubaya ko na lang.
03:28Binibigay ko na lang sa mga staff ko para sila na magbigay sa mga mayors.
03:33Ayon naman kay Lakson, may nakita nga silang insertion sa 2025 budget na P355M.
03:42May proyekto nga raw na na-award mula sa nasabing pondo nitong Mayo lang.
03:47Pinache ko agad sa General Appropriations Act.
03:49Kung meron bang insertion na nagkakahalaga ng P355M na intended para sa Bulacan.
03:58And we found one. Meron talaga insertion na wala sa house version pero lumabas ito doon sa after Bicam.
04:08So maliwanag na either sa Senate version or sa Bicam yun na insert.
04:14Aminado si Sen. Ping Lakson, walang record na mga kasamang posibleng nagsingit ng mga items sa 2025 national budget.
04:23Mahirap man daw ang trabaho, hahanapin daw nila kung sino-sino ang mga ito.
04:28Isa pang iniimbestigahan ang pagpunta-umano ng kinatawan ng WJ Construction sa Senado noong August 19.
04:36Kailangan daw malaman kung kanino nagpunta at sino ang kinausap ng kinatawan sa Senado noong araw na yon.
04:45Sinisika pa naming makuha ang panig ng WJ Construction.
04:48As we speak, meron kaming video footage ng CCTV, CCTV footage na dumalaw dito talaga yung WJ.
04:58Ang pangalan niya, Tamina no.
05:00Ipapatawag namin yun.
05:02Kasi tatanungin namin, although may idea kami kung saan siya nagpunta rito, kaninong opisina ang dinalaw niya.
05:08Pero ipapatawag namin para malaman natin kung kanino siya nagpunta, kaninong opis at sino yung kinausap niya para maliwanag.
05:17Whether or not staff ng blue ribbon yung pinuntahan o legislator yung pinuntahan, edi magpaliwanag yung kapwa Senador.
05:26Na ungkat ang pangalan ng WJ Construction sa testimonya ni Hernandez sa Kamara noong Martes,
05:33kaugnay sa pagde-deliver umano ng anyay obligasyon para sa proyektong ibinigay,
05:40hinooy Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
05:44This was way back at 2022, the time when Ben Ramos was introduced to me by my boss di Alcantara.
05:54Who is Ben Ramos?
05:55Staff of Sen. Jingoy Estrada po.
05:57This was the time na meron pong project na binigay si boss Henry Alcantara kay Ms. Ben Ramos
06:03through Ms. Mina of WJ Construction.
06:08So yun po yung ginamit na license or contractor.
06:14At dandyan po yung pag-uusap kung kailan po magde-deliver ng obligasyon dahil kailangan po ni boss Henry.
06:22Sabi noon ni Estrada, wala siyang staff na Ben Ramos.
06:26Pero meron daw itong kapangalang staff ng Senate Blue Ribbon Committee.
06:31Inilipat na raw ang nasabing casual employee sa isang departamento, Annie Lacson.
06:35Inimbisigan siya, actually ngayon, meron siyang parang explanation at napag-explanation siya ng...
06:42Wala pa akong update.
06:44Pero yun ang huling usap namin ni Secretary General, Secretary Bantug.
06:51For humanitarian reasons, sabi ko, medyo dahan-dahan din tayo.
06:55Samantala, kinukonsidera na rin daw ng Blue Ribbon Committee na ipatawag ang dating pinuno ng Senate Finance Committee na si dating Senadora Grace Poe.
07:05Inter-parliamentary courtesy si Senator Grace Poe para ma-identify kung saan o kung sino yung nag-insert nung 355 billion na yun.
07:15Kasi established na natin na sa either sa Senate version or sa bicameral, sa bicam, lumabas bigla yung...
07:24Kasi wala sa NEP, wala niya sa GAM.
07:27Pagdating naman sa mga proyekto noong Duterte administration,
07:31pwede raw nilang tanungin si Senador Mark Villar na nooy kalihim ng DPWH.
07:37Senador Villar could be a very good resource person, at the same time member of the panel.
07:43He can share. He's free to share his whatever he thinks or he knows about what happened from 2016 to 2022.
07:53Sa nakita ko, very, very, very active ang bank accounts ng Diskaya Coe Paul simula noong 2015, 2016, 20.
08:04Tapos naging active uling sobra 2025.
08:08Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:12Mainit na balita, binigyan ng 72 oras ng Pasay Regional Trial Court ang Senado
08:18para tumugon sa inihaing Writ of Amparo Petition ng Kampo
08:22ni dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
08:27Dapat daw maipaliwanag ng Senado na hindi nila nilabag ang karapatan at seguridad ni Hernandez.
08:32Kailangan din daw magbigay ng impormasyon ang Senado kaugnay sa umunoy banta sa buhay ni Hernandez.
08:39Nasa Pasay City Jail ngayon, si Hernandez kasunod ng mosyon ng Senado na ilipat siya roon mula sa PNP Custodial Center.
08:49Nakatakintang dinggin ng Pasay RTC sa lunes, September 15, ang Writ of Amparo Petition at hinihiling na Witness Protection Order ng Kampo ng dating Assistant District Engineer.
09:02Mga kapuso, mga local thunderstorm ang nagdala ng maulang panahon at pagbahapo sa ilang bahagi ng bansa.
09:13Sa Tampakan, South Cotabato, umapaw ang ilang ilog. Umabot ang tubig hanggang sa kalsada.
09:19Ang repair sa isang tulay doon na antala dahil sa pagragasa ng tubig.
09:24May ilang puno pang nabuwal.
09:26Spellway naman ang umapaw sa La Libertad Negros Oriental.
09:30Sa kabila po niyan, e chinaga at maingat na tumawid pa rin ang mga residente.
09:37Pero wisyo rin po sa mga dumaraang sasakyan ang sira at madulas na kalsada sa Bansalan Davao del Sur.
09:44Nananawagan ang mga residente na ayusin na ang kalsada.
09:49Ilang bahagi na ng bansa ang inuulan dahil po sa bagong low pressure area.
09:54Namataan po yan ang pag-asa 405 km silangan ng Surigao City.
09:58Mababa ang tsyansa nung nasabing LTA na maging isang bagyo pero nagpapaulan pa rin po ang trough o extension nito sa Eastern Visayas,
10:07Canaga Region at Davao Oriental.
10:10Sa mga susunod na oras, uulanin ang halos buong bansa kasama ang Metro Manila base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
10:18Posible ang heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
10:22Mainit na balita ay pinagpaliban ng Sandigan Bayan 3rd Division.
10:30Ang hatol kay dating Senador Juan Ponce Enrile at iba pang akusado sa 15 counts ng kasong graft kaugnay sa Priority Development Assistance Fund o PDAF scam.
10:41Kabilang po sa mga kapwa akusado ni Enrile, ang dati niyang chief of staff na si Gigi Reyes at negosyanteng si Janet Lim Napoles.
10:51Ayon sa anti-graft court, may kailangan pa raw pag-aralan ang isa sa mga judge sa kaso kaya hindi muna hinatulan ang mga akusado.
11:00May reschedule ang pagbababa ng hatol sa October 24.
11:05Sinampahan ang 15 counts ng graft si Enrile dahil sa nakuha umunon yung kickback mula sa pagpondo sa bogus na non-government organizations ni Janet Lim Napoles mula 2004 hanggang 2010.
11:22Ito ang GMA Regional TV News.
11:25Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
11:31Patay sa pamamaril ang isang tricycle driver sa Irosin, Sorsogon.
11:36Krisna, huli ba ang suspect?
11:40Connie, inaalampan ang pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang suspect.
11:45Ayon sa pulisya, naghihintay ng pasahero ang biktima sa paradahan sa barangay Monbon ng pagbabarilin siya ng riding in tandem.
11:51Agad na namatay ang biktima na tinamaan ang bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.
11:57Tinamaan din ang bala sa kamay ang isa pang tricycle driver na isinugod sa ospital.
12:02Inaalam pa ang motibo sa krimen.
12:05Labing tatlong biktima naman ng human trafficking ang nailigtas ng mga otoridad sa Rizal, Palawan.
12:12Nabuto ng mga tauha ng DMW, PAOK at PNP ang mga biktima at sospek madaling araw nitong Merkules.
12:19Isasakay na raw sana sa bangka ang mga biktima na galing sa iba't ibang probinsya para dalhin sa Thailand at Kamboja.
12:27Ang pangako sa kanila, trabaho bilang call center agents na may sahod na 50,000 pesos.
12:33Ayon sa mga otoridad, dadalhin ang mga biktima sa mga cryptocurrency scam hub.
12:39Iligal silang nirekrut online.
12:41Aristado ang apat na sospek na maharap sa reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
12:47Wala silang pahayag.
12:53Bit, bit, bit! May nakaambanan namang taas presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
12:59Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, batay sa 4-day trading,
13:04may nakikitang humigit-kumulang 50 centavos na dagdag sa kada litro ng diesel.
13:0920 centavos naman sa gasolina.
13:11Habang ang kerosene, wala namang inaasahang taas presyo sa susunod na linggo.
13:15Ayon sa DOE, isa sa mga nakaka-apekto riyan ang pag-atake ng Israel sa mga leader ng Hamas na nasa Doha, Qatar.
Comments