00:00...nagkaroon ng produktibong phone call si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05kay Republic of Korea President Lee Jae-myung kahapon.
00:09Sumentro ang usapan ng dalawang leaders sa pagpapatibay pa ng ugnay ng dalawang bansa
00:14kaugnay ng ika-76 na taon ng diplomatic relations.
00:20Kabilang sa napagkasundoan ay ang pagpapalakas ng strategic partnership ng Pilipinas at Republic of Korea
00:27na pagkakataon upang lalong lumalim at lumawak ang relasyon ng dalawang bansa.
00:34Tinalakay rin ng dalawang leader ang pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan,
00:40pag-usad ng mga proyekto sa kaunlaran, infrastruktura at mga programa para sa mamamayan ng dalawang bansa.
00:48Samantala, malugod ding tinanggap ng Pangulo sa Malacanang si United Nations Resident Coordinator Arnold Peral
00:55na pag-usapan ng Pangulo at ni Peral kung paano pa mapapalawig ng UN
01:01ang pagtulong sa National Development Priorities at Sustainable Development Goals ng Pilipinas.
01:08Mas pinagtibay rin ang kooperasyon lalo na sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region,
01:15pagpapalakas ng social protection, pagtugon sa climate change,
01:20gayon din ang hamon sa food security.