00:00Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goryo, na may international name na Pudul.
00:05Sa ngayon, wala pa po itong directang epekto sa bansa, pero asahan pa rin ang mga biglang pagulan particular sa Luzon dahil po sa habagat.
00:13Ang iba pang update sa lagay ng panahon, alamin natin kay Pag-asa Weather Specialist John Manalo.
00:18Sir, good morning po. Ano pong update sa ating panahon?
00:21Opo, siguro po, update muna sa location nitong si Bagyong Goryo.
00:25Sa kasalukuyan ay nasa 1,325 kilometers ito east ng extreme northern Luzon.
00:31Ito ay gumagalaw pa kanduran o westward and eventually magmumove pa northwestward papalapit sa Taiwan.
00:39Ito ay walang directang epekto tulad na nabanggit kanina.
00:42Ibig sabihin, ay yung kaulapan associated directly dito kay Bagyong Goryo ay hindi umahabot sa ating anumang parte ng ating bansa.
00:50Kaya, at yung enhancement na posibleng gawin nito sa habagat, o papalakasin ba nito yung habagat, o hindi, ay nanaratiling maliit lang yung chance.
00:59Ibig sabihin, ay hindi ito makakapag-enhance at magdadala ng mga pagulan, lalo na sa western part ng ating bansa.
01:05And yes po, ay mahina yung ating habagat.
01:08At kaya kahit naaapektuhan yung northern part ng ating bansa, particular na yung extreme northern Luzon, Batanes, Buoyan Islands,
01:16kasama dito yung Metro Manila, Ilocos Region, Sambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental, Mindoro, at Palawan.
01:22Habagat po yung nakaka-apekto dito.
01:23Pero, maliit pa rin yung chance ng mga pagulan.
01:26And doon pa rin yung kabawasan sa mga kaulapan.
01:30At doon din naman sa natitirang bahagi ng ating bansa.
01:33At yung Visayas at Mindanao, ang posibili lang na makapagpaulan.
01:37Dyan sa atin ay yung mga localized thunderstorms or yung mga panandaliang pagulan lang for a certain area.
01:44At mapapatuloy ito sa mga susunod din na araw.
01:46Also, hindi natin inaalis yung posibilidad na kapag medyo bumaba yung track o yung paggalaw nitong si Bagyong Goryo,
01:53ay posibili din na makaka-apekto ito pero limitado lang.
01:56At dito lang yan sa Extreme Northern Luzon, particular na sa Batanes.
02:00At yan po yung ating update mula sa DOST pag-asa.
02:03Alright, Sir John, ito bang Bagyong Goryo?
02:05Ano po ang direction nito?
02:06Unti-unti po ba itong lalapit sa kalupaan?
02:08At magtatagal po ba ito sa bansa, Sir?
02:11May kabilisan po yung paggalaw nito.
02:13Sa kasalukuyan, pa-westward yung galaw niya sa bilis na 25 km per hour.
02:17At kung hindi ito magbabago yung movement niya at yung bilis niya,
02:21ay by Thursday, nasa labas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
02:25Yan po.
02:27Alright, well on that note, maraming salamat po sa update.
02:29Pag-asa weather specialist, Mr. John Manalo.