Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Sabado, August 8, 2025:
Motorsiklong may 3 sakay, sumalpok sa isang bahay
Labi ng Japanese nat'l, nakuha na ng kasintahang siningil ng halos P500k ng ni-raid na ilegal na punerarya sa Maynila
Nasa 16 na bahay sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig, natupok
Lalaking 17-anyos, patay sa pananaksak ng 21-anyos na kaibigan
DPWH Sec. Bonoan, handa raw mag-leave of absence gaya ng hamon ni Rep. Benitez
Gasolinahan, nagliyab nang may tumagas na gasolina; may-ari sugatan
5 bungo, nadiskubre sa San Jose Del Monte, Bulacan; koneksyon sa kaso ng missing sabungeros, kabilang sa mga sinisiyasat
Water hyacinth at mga basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig, puwedeng ma-recycle
NBA Superstar Ja Morant, bumisita sa pilipinas at nagpasampol ng kanyang signature dance at moves
Mudslide, rumagasa sa isang bayan sa Russia
"Oplan: Stop, Plate and Go", inilunsad para mapabilis ang distribusyon ng plaka ng mga motorsiklo
Mahigit 20 tupa, namataan sa paligid ng College of Science sa UP Diliman
Butas sa kalsada sa Pasig City, pinangambahang sinkhole; ayon sa LGU, erosion ang nakita
Lalaki, nagsayaw nang naka-brief lang sa ibabaw ng tricycle; nagpaliwanag sa mga pulis
Pinsala sa mga tanim ng mga nagdaang bagyo, aabot sa P3-B; DA, handang tumulong sa mga magsasaka
2 Angkas ng motorsiklo, patay matapos sumalpok sa bahay sa Pagadian City; rider, sugatan
Shuvee Etrata, napaiyak nang makita ang susuoting gown sa GMA Gala 2025
Kapuso stars at celebrities, isa-isa nang nagdaratingan sa GMA Gala 2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Motorsiklong may 3 sakay, sumalpok sa isang bahay
Labi ng Japanese nat'l, nakuha na ng kasintahang siningil ng halos P500k ng ni-raid na ilegal na punerarya sa Maynila
Nasa 16 na bahay sa Brgy. Fort Bonifacio, Taguig, natupok
Lalaking 17-anyos, patay sa pananaksak ng 21-anyos na kaibigan
DPWH Sec. Bonoan, handa raw mag-leave of absence gaya ng hamon ni Rep. Benitez
Gasolinahan, nagliyab nang may tumagas na gasolina; may-ari sugatan
5 bungo, nadiskubre sa San Jose Del Monte, Bulacan; koneksyon sa kaso ng missing sabungeros, kabilang sa mga sinisiyasat
Water hyacinth at mga basurang bumabara sa mga daluyan ng tubig, puwedeng ma-recycle
NBA Superstar Ja Morant, bumisita sa pilipinas at nagpasampol ng kanyang signature dance at moves
Mudslide, rumagasa sa isang bayan sa Russia
"Oplan: Stop, Plate and Go", inilunsad para mapabilis ang distribusyon ng plaka ng mga motorsiklo
Mahigit 20 tupa, namataan sa paligid ng College of Science sa UP Diliman
Butas sa kalsada sa Pasig City, pinangambahang sinkhole; ayon sa LGU, erosion ang nakita
Lalaki, nagsayaw nang naka-brief lang sa ibabaw ng tricycle; nagpaliwanag sa mga pulis
Pinsala sa mga tanim ng mga nagdaang bagyo, aabot sa P3-B; DA, handang tumulong sa mga magsasaka
2 Angkas ng motorsiklo, patay matapos sumalpok sa bahay sa Pagadian City; rider, sugatan
Shuvee Etrata, napaiyak nang makita ang susuoting gown sa GMA Gala 2025
Kapuso stars at celebrities, isa-isa nang nagdaratingan sa GMA Gala 2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00PONERARYA
00:30Sa wakas, maihahatid na nilin ang kanyang kasintahan sa huling hantungan.
00:39Galit po na, yun po nalulungkot na masaya kasi po, may liliging na siya, mapapayapa na po yung kaluluwa niya.
00:46Nobyo ni Lin, di niya tunay na pangalan ng Japanese National na si Akihito Nishizuka,
00:50na isa sa mga bangkay na umunoy inipit ng Body and Life Funeral Services na niread ng Manila Health Department noong miyerkules dahil iligal na nag-ooperate.
00:59August 29, 2024, natagpo ang patay si Akihito sa kanyang condo unit sa Malate, Maynila.
01:06Walang pamilya si Akihito sa Pilipinas.
01:08Nakakuha naman si Lin ng authorization mula sa Japanese Embassy na kunin ang bangkay.
01:13Pero ayaw pa rin daw ibigay ng PONERARYA ang bangkay.
01:16Kailangan niya raw munang magbayad ng P326,000.
01:20Bukod pa yan sa dagdag na P90,000 kapag nagpakremate sila.
01:25P100,000 lang ang pera ni Lin, kaya hindi ibinigay sa kanya ang labi ng nobyo.
01:30Kaya po yung tiniis ko, pinagdadesal ko na lang na ang alam ko po talaga is nakalibing na, nanalibing na siya ng maayos.
01:40Yun din po kasi, yung sabi sa akin sa MSI na ililibing daw po.
01:44Lumipas ang halos isang taon, buong akala ni Lin nakalibing na si Akihito.
01:49Kaya laking gulat niya nang mapanood sa eksklusibong report ng GMA Integrated News
01:54na isa palang bangkay ni Akihito sa mga narecover ng Manila LGU sa Body and Light Services.
01:59Sobrang nagulat din po, kaya ngayong araw po na to, hindi pa nagbubukas yung North Cemetery.
02:07I mean yung office, nandun na po ako kasi iniintay ko nga po na mag-open, kasi magbabakasakali po ako.
02:13Tumulong ang Manila LGU na maproseso ni Lin ang pagkuha sa Labini Akihito at ang pagpapakremate sa kanya.
02:20Patuloy ang imbestigasyon sa Body and Light Funeral Services para maiayos ang isasampang reklamo sa kanila.
02:26Iligal na ngang nag-ooperate, mahal pa raw sumingil.
02:30Kaya sabi ni Mayor Isko Moreno, misto lang hold up na raw ang nangyayari.
02:34Sa totoo lang, yung presyo nila wala nang katarungan.
02:41And withholding it, that added the insult to the injury.
02:46Those who are existing, which marami sa Manila, may ganitong pang-aabuso or parang blackmail kasi ito eh.
02:54Parang hold up ito eh. Sa tingin niyong hindi makatwiran, huwag ko kayong mahihiya, mag-aalanganin na lumapit.
03:06We'll extend assistance to you.
03:08Tumawag at nag-text ang GMA Integrated News sa pamunuan ng punerarya para sa kanilang reaksyon pero wala pa silang tugon.
03:15Sa ngayon, tatlo pa lang sa sampung mangkay ang nakukuha ng kanika nilang mga mahal sa buhay.
03:19Ang pitong iba pa ay nasa pangangalaga pa ng LGU.
03:23Bibigyan daw ng lokal na pamahalaan ng hanggang isang linggo para maklaim ang mga labi.
03:27At kung wala pa rin, ay ipalilibing na nila sa Manila North Cemetery.
03:31May burial assistance din daw ang Manila LGU para sa mga mga ngailangan nito.
03:36Sa ngayon, mula sa madilim at maruming punerarya na ilagay na sa tahimik si Aki Hito.
03:43Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
03:47Nabulabog ng sunog ang mga pamilya sa barangay Fort Bonifacio sa tagig nitong hating gabi.
03:54Pahirapan ang pag-apula sa sunog sa dibababa sa labing-anim na bahay.
03:58Nakatutok si Jomer Apresto.
04:00Tanaw mula sa tulay na ito ang sunog sa barangay Fort Bonifacio sa tagig city, mag-alas 12 ng hating gabi kanina.
04:10Sa laki ng sunog, mabilis itong inakyat sa ikatlong alarma.
04:14Ang ilang bumbero, nagbubugan na ng tubig mula sa bahagi ng skyway.
04:18Ang ilan, sa Loton Avenue na nagparada.
04:21May mga bumbero rin na ginamit ang kanila mga host para mabilis na makababa at makalapit sa mga nasusunog na bahay.
04:27Dahil sa bilis ng pangyayari, marami sa mga residente ang wala halos mga gamit na naisalba.
04:33Tulad ng 66 years old na si Derna.
04:35Natutulog na sila ng kanyang apo ng sumiklabang sunog.
04:38Inakala pa umano niya na simpleng away lang mula sa isang lamay ang ingay na kanyang naririnig.
04:44Pagbukas ko ng pinto, nakita ko yung katabi naming bahay.
04:48Lumalagab-lab na. Halos wala na nga natira eh.
04:51Wala na kaming nadala kasi andyan na eh, mainit na sa amin eh.
04:54Hindi naman mapigilan maging emosyonal ng 38 years old na si Daisy.
05:00Paupahan daw kasi ng kanyang pamilya ang isa sa mga nasunog na bahay.
05:03Sa kwento niya, nagiinuman sila nang mapansinila na nagliliyab na ang fourth floor ng kanilang bahay.
05:09Nagkakiyahan po kami. Tapos pagkita po namin yung taas po, maano na po yung sunog.
05:15Hindi na po namin nakabula sa noong matulungan.
05:19Wala po kami naisalba kahit ano po.
05:22Ang ilang residente na kaagad nakalikas, pinili na unahing iligtas ang kanila mga alagang hayop.
05:27May ibang exotic pets ang daladala tulad ng mga ahas na ito.
05:31Ang iba naman, mas piniling iligtas ang imahe ng Santo Niño.
05:34Ang residente namang ito, halos himatayin. Mabuti at maraming kapitbahay ang umalalay sa kanya.
05:41Walang napaulat na nasugatan o namatay sa sunog.
05:44Sabi ng barangay, mananatili muna sa covered court ang mga residenteng na wala ng tirahan.
05:49More or less, nasa 16 houses.
05:51Yung mga bahay po kasi na yan, mostly mga renters po yan.
05:54So by kwarto-kwarto yan, isang palapag ilang kwarto.
05:57Dito rin muna mananatili ang mga residente na nabasa ng todo ang mga bahay dahil sa pagbomba ng tubig.
06:02Patuloy na inaalam ng mga otoridad kung magkanong halagan ng mga napinsalang ari-arian at kung ano ang pinagmulan ng apoy.
06:10Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
06:16Selos ang itinuturong motibo sa away na nauwi sa pananaksak ng isang lalaki sa kanyang kaibigan sa Leganes, Iloilo.
06:23Nasa huwi ang biktimang 17 taong gulang pa lang.
06:26Nakatutok si John Sala ng GMA Regional TV.
06:32Tumanak ang dugo sa tindahan ito sa barangay poblasyon sa Leganes, Iloilo.
06:37Doon sinaksak ang isang binatili yung 17 taong gulang.
06:40Sospek ang kaibigan ng biktima na edad 21.
06:44Base sa embesikasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa habang magkasamang nagiinuman.
06:49Nagselos umano ang biktima sa kanyang nobya at sa sospek.
06:52Up out po doon sa tatoo eh, kasi po nagtatato po yung sospek.
06:58Ang nisip po ng biktima is nagpatato po yung girlfriend niya doon sa sospek.
07:05Doon po nagsimula po yung misunderstanding o pagsiselos.
07:10Dead on arrival sa ospital ang biktima na sinaksak sa tagiliran.
07:14Pero bago dahilhin sa ospital, nakapagsubong pa sa pulisya ang biktima kasama ang iba pang kaibigan.
07:20Lubos ang paghihinagpis ng pamilya ng biktima na ayon sa kanila'y masipag at mabait na anak at apo.
07:26Masakit man. Ang kwarta makita namang.
07:31Pero siya nang subang kong apo.
07:35Siya arigid na siya ni pirmi. Adlaw, adlaw.
07:38Hawak na ng pulisya ang sospek na tumaging magbigay ng pahayag.
07:42Mahaharap siya sa reklamong murder.
07:45Para sa GMA Integrated News, John Sala.
07:48Nakatutok 24 oras.
07:52Hinamon ni Rep. Albi Benitez si DPWH Secretary Manuel Bonoan
07:57na mag-leave of absence muna habang sinisiyasat ang mga umano'y palpak
08:01o guni-guning flood control project.
08:03Ang tugon dito ng kalihim, alami sa pagtutok ni Nico Wahe.
08:10Kitang-kita ko na maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho.
08:16At yung iba, guni-guni lang.
08:22Iyan ang pasaring ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang sauna noong lunes.
08:25Kaugnay saaniya ang mga guni-guni lang na mga flood control project.
08:29Sabi ng Pangulo, panagutin ng mga tiwaling opisyal na nasa likod ng palpak na libu-libong flood control project sa buong bansa.
08:36Pinagsumiti nga ang Public Works and Highways Department ng listahan ng lahat ng flood control projects
08:41sa nakalipas na tatlong taon at ilalathala para malaman ng publiko sino ang mga dapat managot.
08:47Palpak daw ang mga ito kasunod ang naging epekto ng nagdaang bagyong krising, Dante, Emo at Habagat.
08:53Kasunod ang banta ng Pangulo na nawagan si Bacolod Loan District Representative Albi Benitez kay DPWL Sekretary Manuel Bonoan
09:01na mag-leave of absence muna bilang delikadesa rao para mapanatili ang integridad ng gagawing investigasyon.
09:08Si Bonoan, handa rao na mag-leave of absence.
09:10Okay lang. If it is necessary, bakit hindi po?
09:14Sinagot din ni Bonoan ang komento ni Manila Mayor Esco Moreno na i-turnover na sa mga LGU ang flood control project.
09:21If they have the resources, bakit hindi? I think talaga naman dapat tulong-tulong lang po ng local government.
09:28Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman Terry Ridon, hinahanda na nilang investigasyon kaugnay sa flood control projects.
09:34As soon as ma-organize po iyong House Public Accounts Committee, magkakaroon na po ito ng pagdinig sa mga lahat na infrastructure projects including flood control and drainage projects sa ating pumbansa.
09:50Agad daw nila ipatatawag ang DPWH para ma-imbestigahan.
09:54Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok, 24 oras.
09:58Nila mo na apoy ang isang mall na o isang maliit na portable gas station sa linggayan pang gasinan.
10:10Ayon sa empleyado ng gasolinahan, naglalagay sila ng bagong stock nang tumagas ang gasolina.
10:16Nang paanda rin ang battery para mag-pump, kumislap daw ito.
10:19Damay sa sunog ang katapat na convenience store at dalawang sasakyan.
10:24Tumagal ang sunog ng 15 minuto bago na apula.
10:27Wala pa ang pahayagang may-ari ng gas station na sugatan sa insidente.
10:33Sinisiyasat kung may kinalaman sa kaso ng mga missing sa bungero ang nadeskubring limang bungo sa San Jose del Monte, Bulacan.
10:40Nakatutok si Bon Aquino.
10:45Nakasilid sa isang kaho na binalutan ang trash bag.
10:48Ganyan natagpuan ang limang bungo ng tao sa San Jose del Monte, Bulacan alas 10 ng umaga noong July 13.
10:55Ayon sa San Jose del Monte City Police, dito sa gilid ng Liana Road, Barangay Tungkong Mangga,
11:01natagpuan ng isang caretaker ng lote, yung selyadong kaho na naglalaman ng limang bungo ng tao.
11:08Habang bibili sana siya ng pagkain, nakita niya may box, ma'am.
11:13Kasi caretaker po itong nakakita.
11:14Noong select niya po yung box, doon niya po na-discovery na yung labang po is puro bungo.
11:23Ayon sa mga polis, wala nang ngipin ang mga bungo na nakapackaging tape at tanggal na ang mga panga.
11:29Ang isa sa apat na bungo, may nakasulat-anila na numero.
11:32Yung apat na bungo, ma'am, parang ano naman siya, kumbaga malinis, wala naman siyang tama.
11:40Yung isa lang mayroong parang basag sa may parting sentido.
11:46Hindi natin alam kung ano bang ano doon, o tama ba ng barero, o hindi po natin masabi.
11:54Sabi ng San Jose del Monte Police, dinala ang mga bungo sa Camp Crame
11:58at isinasa ilalim sa anthropological, odontological at DNA examination.
12:03Sa ngayon, wala paan nilang lumalapit para magpasuri kung labi ito ng kanilang kaanak.
12:08Nagba-backtracking din daw ang mga otoridad para matukoy ang pagkakakilanla ng nag-iwan ng mga bungo.
12:14Iimbestigahan daw nila kung may kinalaman nito sa paggamit ang mga buto sa pag-aaral ng medesina,
12:20pati na ang koneksyon ng mga bungo sa mga mising sa bungero,
12:22lalo't apat sa kanila ay taga San Jose del Monte.
12:26Sa ngayon, hindi pa rin masabi ng pulisya kung konektado ang mga nakuhang bungo sa kaso ng mga mising sa bungero.
12:33Pero...
12:34Ano po yung magiging result nung nakuha sa Batangas at dito sa amin?
12:39Siyempre po, subject for DNA testing.
12:41Kung magmamatch po sa standard ng mga pamilya ng mising sa bungero.
12:48Tsaka po iano sa amin yan.
12:50Kung makakatulong po yung investigasyon namin, pwede rin po kami mag-summit.
12:55Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok, 24 oras.
13:01Sa gitna ng mga hakbang kontrabaha sa Metro Manila, gaya ng paghilinis sa mga estero,
13:06may mga proyekto rin pinag-aaralan gaya ng pagkontrol sa tubig galing siya Ramadre
13:10at paglalagay ng mga sister o imbakan ng mga tubig.
13:14O imbakan ng tubig.
13:15May mga proyekto rin para mapakinabangan ang mga bumabarang basura.
13:20Nakatutok si Bernadette Reyes.
13:22Tuwing tagulan at bumabaha, kabilang sa mga nakikitang dahilan,
13:29ay ang pagbabara ng mga water hyacinth sa mga daluya ng tubig.
13:33Kaya kasama ang mga yan sa mga target sa paglilinis sa mga ilog at estero.
13:38Pero alam nyo bang pwedeng pakinabangan ng mga water hyacinth?
13:41Sa pamamagitan ng water hyacinth treatment facility, maaaring makagawa ng mga lily pots gaya nito na maaaring tamna ng mga halaman.
13:50O di naman kaya, makagawa ng mga tinataw na charcoal briquettes o uling na maaaring namang gamitin panggatong sa pagliluto.
13:57Pati na ang mga basurang nahahakot sa mga daluya ng tubig, maaaring i-recycle.
14:04Gaya ng plastic bottle at crushed glass na ginagawang plastic bricks o hollow blocks.
14:10Pero ayon mismo kay Pangulong Bongbong Marcos, susi pa rin ang disiplina sa basura para iwas baha.
14:16Kahit magandang maganda na lahat ng flood control project natin, kapag ganito pa rin ang ating estero, wala rin, mababaha pa rin tayo dahil walang madaanan yung tubig.
14:29Kapag malinis ang mga estero, mabilis din mawala ang baha. Kaya naiiwan ang baha dahil walang madaanan ng tubig.
14:38Sinabi ito ng Pangulo matapos inspeksyonin ang paglilinis ng Buli Creek sa Pasig na bahagi ng bayanihan sa estero program.
14:45Layon itong hikayate ng komunidad na tumulong sa pagtatanggal ng mga nakabara sa mga estero.
14:51Full year round naman namin ito ginagawa. It's just that this time, we will involve the community, LGU, barangay, volunteers, even private sector.
15:03Bago pa ang bagyong krising at mga sumunod na bagyo at habagat na nagpabaha sa Metro Manila,
15:08labindalawa sa dalawampu't tatlong estero ang nalinis na ayon sa Pangulo.
15:13881 cubic meters na mga bumarang basura ang nakuha sa mga yan ayon sa MMDA.
15:19Ang labing isa pang mga estero nililinis pa raw sa pakikipagtulungan sa mga LGU.
15:24May mga desultation din daw o pag-alis sa mga lupang inanod sa estero.
15:29Yung watershed kung saan nagagaling yung tubig, pagka maraming puno, hindi nadadala yung lupa, hindi magsisilt ng ganito.
15:38Kapagka maraming puno, kaya kasama sa watershed development na magtatanim tayo ng puno para hindi madala ng tubig yung lupa.
15:52Ayon sa DPWH, pinag-aaralan pa kung paano makokontrol ang tubig mula sa Sierra Madre Watershed na umaagos papuntang Pasig Marikina River.
16:02Gagawa po kami ng mga siguro tatlong malilit na dams doon sa itaas to restore, to mag-impound ng siguro mga 100 million cubic meters.
16:17Para doon muna, i-impound yung tubig ba ha, huwag natin palalabasin ka agad dito sa may Pasig Marikina River.
16:24Plano rin maglagay ng cistern o imbaka ng tubig tulad sa BGC sa Taguig, na maaaring sumalo ng tubig para maiwasan ang pagbaha.
16:33Kung ano yung available spaces in the city, pwede hong gawing cisterns,
16:40ang tawag po, cisterns yun, para yung tubig baha, yung runoff, yung runoff po na dumadalo yung umulan na hindi muna mailabas doon muna sa ilalim.
16:54Marami po yung na-identify ng mga areas, kagaya po doon sa Campaginaldo, sa ilalim ng golf course,
17:02pwede muna imbakan ng tubig baha doon kasi doon talagang perennial na binabahan.
17:09Pinag-aaralan ding maglagay ng mga cisterns sa bahagi ng UST sa Espanya at Loton sa Maynila.
17:15Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
17:22Dalawang NBA star bubisita sa bansa, kabilang dyan si Jamorant na nagpasample pa ng signature basketball at dance moves.
17:31Nakatutok si Martin Javier.
17:39Mga kapungsong excited na sinalubong ng Pinoy basketball fans ang NBA superstar na si Jamorant.
17:47Malakas na hiyawan ang sinalubong ng fans ni Jamorant ng Memphis Grizzlies sa kanyang unang pagbisita sa Pilipinas.
17:56Nagpakitang gina sa harap ni Jamorant ang ilan sa mga pinakamahuhusay na manlalaro ng high school
18:11mula sa Del Salzobel Junior Archers at mula sa local community.
18:15Kasama rin nila ang professional basketball players na sina Jack Animam, Marga Jimenez, Richie Rivero, CJ Cansino, Jeron Teng, at Ren Zabando.
18:33Hindi rin siyempre nawala ang signature gritty dance ni Morant.
18:44At nagpakita rin ng kanyang dunk.
18:55Nagkaroon din ng meet and greet.
18:57When you wonder mo na, you're gonna be in the spotlight.
19:00That goes to show how resilient we are as a athlete.
19:03He's an inspiration to all the youth.
19:05I mean, as you can see in this event, maraming mga bata that really admire him.
19:09And, you know, Jamorant is a man of the people.
19:14Bumisita rin sa Mandaluyong si Isaiah Joe ng 2025 NBA Champion OKC Thunder.
19:22Kasama ang Larry O'Brien Trophy ng NBA.
19:24Hindi siya makapaniwalang may four-point line sa basketball dito sa Pilipinas.
19:41Advice ng NBA Champion sa lahat ng nakangarap maabot ang tugatog ng tagumpay.
19:47Don't expect it to be easy.
19:49You will have ups and downs.
19:51You have very high highs and very low lows.
19:54But you have to stay level-headed to it all.
19:56And just stay consistent.
19:58Because at the end of the day, if you have that discipline, you're gonna have that consistency.
20:01It's gonna work out.
20:02Para sa GMA Integrated News, ako si Marty Revere.
20:06Nakatuto, 24 oras.
20:08New York subway muling na sa lantanang baha.
20:13At sa Russia naman, rumagasa ang malaalong putik.
20:16Ang mabalitang abroad sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
20:19Dambuhalang alo ng putik ang rumagasa sa residential area sa isang bayan sa kabundukan ng Kaukaso sa southwestern Russia.
20:31Halos lamuni na tabunan na nito ang isang tulay at umabot pa sa kalsada.
20:36Sa drone video, makikita ang pagragasa ng mudslide na bumalot sa lugar.
20:41Halos apat na raang residente ang inilikas sa mga emergency shelter.
20:45Nasira rin ang mga water systems sa lunsod, kaya wala ng supply ng tubig roon.
20:51Tila nagkaroon ng waterfall sa New York City subway bunsod ng matinding baha sa lunsod.
20:56Nagsuspindi ng biyahe ng trend dahil dito.
20:59Nagdeklara ng state of emergency ang New York, pati ang katabing New Jersey dahil sa banta ng matinding flash floods.
21:05May flash flood warning din ang National Weather Service ng Amerika sa ilang bahagi ng Northeast Urban Corridor.
21:12Sa akop nito ang mga pangunahing lunsod, gaya ng Washington D.C., Baltimore, Philadelphia, Wilmington sa Delaware at New York metropolitan area.
21:23Nababahala ang Kamara sa plano ng Senado na pagbotohan na ang gagawing aksyon sa ruling ng Korte Suprema
21:28na unconstitutional ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte at hindi nahintayin ang gagawin ng Kamara.
21:35Ayon sa tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante,
21:39hindi pa pinal ang desisyon ng Korte Suprema at aapila pa ang Kamara.
21:43Ano man anyang premature actions tulad ng pagboto ng Senado na hindi ituloy ang impeachment trial
21:48ay pagsasawalang bahala sa due process.
21:51Pakaraw maging political shortcut ito na magpapahina sa papel ng Kamara.
21:55Nanawagan sila sa mga senador na magpasensya at hayaang gumulong at matapos ang judicial process.
22:04Ayon kay Representative Terry Redon, Chairman ng House Committee on Public Accounts,
22:08ipapasa ang motion for reconsideration bago ang deadline sa August 9.
22:12Tila pinahirapan daw ng Korte Suprema ang pag-impeach sa matataas sa opisyal.
22:17Sinusubukan naming kunan ang pahayagang Senado kaunay nito.
22:20Na unang napagkasunduan ng mga senador na magdebate at aksyonan ng impeachment sa August 6.
22:28LTO na mismo ang mamimigay ng plakan ng mga motorsiklo na hindi pa napipick up ng mga driver.
22:34Sa ilalim po ng off-land stop, plate and go,
22:37ng LTO at ng Transportation Department magde-deploy ng LTO patrol vehicles na may dalang mga plaka sa piling lugar.
22:44Magkakaroon ng mala-checkpoint na operasyon.
22:47Haharangin ang mga sasakyang walang plaka at kung dala ng LTO ang plakan ng sasakyan,
22:51agad itong ibibigay.
22:53Pero kung hindi pa available ang plaka,
22:55tutulungan ng enforcers ang driver na itrack ang status ng license plate.
23:00Tugon daw po ito sa utos ng Pangulo na mapabilis ang distribusyon ng mga plaka ng mga motorsiklo.
23:06Malakas daw mga probinsya ang nang eksena sa UP Diliman.
23:16Hindi lang mga isko at iska ang naroon,
23:18pati na mga tupa o kordero na nag-aalis sa mga damo sa kapaligiran.
23:23Kuya Kim, ano na?
23:29Ikot tayo dito sa aking alma matter, UP Diliman.
23:32Meron kasi kaming narinig na balita.
23:36Nang paligid daw ng College of Science,
23:38hindi lang daw mga skolar ng bayan ang namamataang tumatambay.
23:42Pati na, mga tupa.
23:46Opo, may mga pag-alagalang tupa sa UP.
23:50Parang na-weird lohan ako.
23:52Pero I found them endearing.
23:55Maybe, parang kinakain nila yung grass.
23:59Meron din ba silang skolar, sheep?
24:02Ang nag-aalaga sa mga ito, si Vic.
24:04Four years na po ako dito, sir, nag-aalaga.
24:06Mababayt naman po sila.
24:07Dati tatatulong daw ang tupa sa UP.
24:09Pero ngayon?
24:10Nasa 20 na po siguro sila.
24:12Ayon sa Associate Dean for Facilities and Resources Management na si Dr. Marian Roque,
24:16nakakatulong daw mga tupa sa pag-maintain ng mga damo sa unibersidad.
24:20Parati kami may problema sa grass cutter.
24:24Mahal ang gasolina, nasisira.
24:26May nag-mention that yung mga sheep daw ay magaling silang grass cutter.
24:32Ayon yung pang isang amazing about them.
24:35I think 8 o'clock, papalabasin na sila.
24:37And then, without even telling them to go back, sila mismo, I think it's sunset, babalik sila.
24:44Ang mga sheep o tupa, gaya ng mga kambing, mga herbivore o kumakain ng halaman,
24:51sila rin ay ruminant animals.
24:53Ibig sabihin, ang kanina mga sikmura ay mayroong multiple chambers.
24:57Dahilan para mas madali nilang madigest ang mga damo o halaman.
25:01Madalas din sila makita magkakasama.
25:03Nagsisilbitong proteksyon laban sa mga predator.
25:05Pag masama-sama kasi sila, mas mahirap para sa predator na umatake.
25:10Ano naman kaya ang balak ngayon ng admin sa mga tupa sa College of Science?
25:13Di-discuss pa yun, although there are too many.
25:17Siguro yung iba baka bibenta, and then the proceeds will go to the janitors taking care of them.
25:23I think the students have learned to love the sheep.
25:26It's difficult to let go kasi parang naging mascot na sila.
25:29Ang mga tupa, patunay na basta sama-sama, lahat makakaya.
25:34Para sa bahayan.
25:36Ito po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 oras.
25:39Ito ang baha ng mga residente na isang barangay sa Pasig na baka sinkhole ang tumambad sa kanilang mga butas sa lupa.
25:48At ang isang bahagi ng kalsada, tuluyan ng gumuho.
25:52Nakatutok si Katrina Son.
25:54Merkoles ng isumbong sa barangay Ugong sa Pasig City, ang tila lumubog na parte ng Eagle Street.
26:04Pagdating doon, kapansin-pansing nagkabitak-bitak ang isang bahagi ng kalsada.
26:10Pangamba nila, baka sinkhole ito.
26:13Agad nag-inspeksyon ang barangay Ugong Rescue.
26:16Tumambad sa kanila na halos wala ng laman na ang ilalim ng naturang bahagi ng kalsada.
26:21Sa loob ng isa sa mga butas, makikita ang mga gumuhong parte nito.
26:27May mga batong makikita.
26:29At ilang parte na lang nito ang may lupa.
26:32Ayon sa assessment ng city, erosyon.
26:351.5 meters yung lapad, 6 feet below the ground.
26:41Maaring matagal na raw ito, ngunit ngayon lang nakita.
26:44Nagkasunod-sunod din daw ang bagyo at ilang araw ang naging pag-uulan.
26:48Balay yung tubig, wala na na pagdadaloy yan, hindi nakakonek sa main drainage yung manhole natin.
26:54Nagkaroon ng kung saan paglalagusan ng mga tubig.
26:59Pag-uusapan daw ng barangay ang pagkumpuni rito.
27:02Babakbakin din nila ito at kung kaya ay sesementohan kaagad.
27:06Mabuti na lang din daw na walang mga dumadaan dito na motorista.
27:10Wala rin masyadong mga tao at malayos sa mga bahay.
27:13Gayun man, hinarangan na muna ang apektadong kalsada para mas siguro ang kaligtasan ng lahat.
27:20Sinusubukan ng GMA Integrated News na kunan ng reaksyon ang Pasig City LGU, ngunit wala pa silang tugon.
27:27Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, Nakatutok 24 Oras.
27:33Nagsasayaw habang nakahubad at nakabrief lang ang lalaking yan sa ibabaw ng umaandar na tricycle.
27:41Ang viral video na yan na kuhanan sa Diversion Road, Manduryaw, Iloilo City, madaling araw ng July 31.
27:48Natukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaki at ng driver.
27:51Isa sa tatlong kasama nila ay minu-de-edad pa.
27:55Ang sa polisya, mga tapos mabalita ang pinaghahanap ng motoridad kusang pumunta sa istasyon ang mga sangkot.
28:01Paliwanag daw ng lalaki nagsayaw, ginaya lang daw niya ang isang vlog.
28:06Hindi raw ito nagustuhan ng LTO Region 6 na nagbabalang posibleng hindi napayagang magkalisensya ang tricycle driver.
28:13Sinusubukan paraming kunan ang pahayagang lalaki at kanyang mga kasama.
28:20Aabot sa halos 3 bilyong piso ang halaga ng mga nasirang pananim sa bansa,
28:24matapos ang pagtama ng mga nagdaang bagyo at habagat.
28:27Handa ang Agriculture Department na tulungan ang mga magsasaka para makabangon.
28:33Nakatutok si Nico Wahe.
28:34Ang malalakas na ulang dala ng habagat, pati ng mga sunod-sunod na bagyong nagpalakas dito,
28:44maraming lugar ang binaha, kabilang ang mga palayan.
28:48Ayon sa Department of Agriculture, dahil sa habagat at mga bagyong krising, dante at emong,
28:54aabot sa halos 3 bilyong piso ang halaga ng mga nasirang pananim.
28:59Pinakamalala raw sa Central Luzon.
29:01Karamihan pa rin ng damages ay naitala sa palay sector,
29:07almost 60,000 metric tons yung nawala sa ating mga palayan.
29:12At ang naapektuhan ay ang Region 3.
29:15Kalahati ng damage ay reported sa Region 3, in particular sa Pampanga.
29:21So doon yung karamihan ng damage.
29:24Malaki rin ang pinsala sa Mimaropa at sa Western Visayas.
29:28Pero ayon sa DA, nasa early stage pa lang ng pagtatanim ang mga na-damage at partial lamang.
29:33Sabi ng DA, madalihan nilang makababangon ng mga magsasaka.
29:37Tutulong din daw sila.
29:38Ito mga naapektuhan so it can easily be recovered.
29:41Nagkaroon na ng mga preposition at ngayon nagdidistributa tayo ng mga binhe para makapagtanim uli yung mga farmers.
29:49May konting delay of course sa harvesting.
29:52Maaasahan itong tanima na ito mga late November or within November yung harvest pag nagtanim ngayon.
30:00Sa kabila ng mga pinsala, maganda raw ang anin ng palay at mais ngayong unang semestre ng taon.
30:05Base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.
30:08Wala naman tayong inaasahan ng laningya rin.
30:11So we can expect, ang main crop kasi natin is wet season.
30:16So minimum niyan 11 metric tons.
30:1911 million metric tons ng palay for wet cropping seasons.
30:25Target ng pamahalaan ng mga pag-harvest ng 20.4 million metric tons.
30:30Mas malaki sa record noong 2023 na 20.06 million metric tons.
30:34Para sa GMA Integrated News, Niko Wahe, nakatutok 24 oras.
30:41Nagloko o mano ang preno kaya sumalpok sa isang bahay sa Pagadian Zamboanga del Sur
30:46ang isang motorsiklo may tatlong sakay na minor de edad.
30:50Dalawa po ang nasawi.
30:51Nakatutok si Darlene Kai.
30:53Sa saradong pintuan ng bahay na yan sa Pagadian Zamboanga del Sur,
31:01isang motorsiklo ang sumalpok.
31:06Tumilapon sa loob ang mga sakay nitong pawang mga minor de edad.
31:09Ang rider ng motorsiklo, sugatan at napatayo na lang.
31:13Ang dalawang angkas niyang babae, humandusay sa sala ng bahay.
31:17Dead on the spot ang isa sa kanila, habang ang isa, dead on arrival sa ospital.
31:21Wala namang nasaktan sa mga nasa loob ng bahay.
31:24Pero laking takot daw ang dinulot sa kanila ng disgrasya.
31:28Titingnan ko yung dalawang dalaga na nakahandusay doon sa lapang ng bahay ko.
31:35Bumungad sa akin yung babae na naka...
31:39Yung dugo niya nasa bibig.
31:41Sumigaw ako sa takot, tapos pumunta ako sa likuran ng bahay namin.
31:46Base sa investigasyon, papuntang Zamboanga del Sur National High School ng motorsiklo
31:50pero nawalan daw ito ng preno.
31:52Lately, galing sila doon sa buodeck na masyal.
31:59Kasi may activity yata sila sa school.
32:02Kaya tumaka sila sa school.
32:05Pumunta sila ng buodeck.
32:07Well, kagawin daw na sila pababa ng buodeck.
32:11Nagkaroon daw ng mechanical problem yung motor nila.
32:15Mabilis yung takbo nila at tuloy-tuloy doon sa bahay.
32:18Wala rin plaka ang motorsiklo at ang rider walang lisensya.
32:23Dinala na sa police station ang motorsiklo.
32:25Wala pang pahayag ang rider.
32:27Ang may-ari ng bahay, bagamat walang planong magsampa ng reklamo,
32:31humiling na mapagawa ang pinsala sa bahay.
32:34Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, nakatutok, 24 oras.
32:38Carpet event dito sa Mario Hotel.
32:49May pasinip ang kapuso stars sa kanilang last-minute press para sa GMA Gala 2025.
32:55Yan ang chika ni Aubrey Caramper.
32:56Truly a dream come true para kay PBB Celebrity Collab Edition ex-housemate Shuvie Etrata,
33:08ang dress na susuutin niya sa GMA Gala 2025.
33:11Oh my gosh!
33:15Oh my gosh!
33:19Nangiyak at na-starstruck siya nang makita ang gaon, created by fashion designer Rian Fernandez.
33:25Hindi pa nire-reveal ang itsura ng gaon pero sabi ni Shuvie,
33:29Ipinose naman ni Shuvie sa IG ang ilang portrait shots na giving fears with her red lipstick.
33:42Slaying naman si kapuso third big placer na si Charlie Fleming suot ang isang dress by Mac Tumang.
33:49Dripping and glam naman si Ashley Ortega, Aubrey Caramper, updated to Shuvie sa happenings.
33:59All eyes on the blue carpet pagdating sa mapan sa pagdating ng mga stars at celebrities sa pinaka-inaabangang GMA Gala 2025.
34:08Isa sa mga unang rumampa ang members ng Cloud 7 suot ang kanilang black and gold suit.
34:13Looking very cute naman sa blue carpet ang campus cuties.
34:17Isa sa mga early bird tonight si Shuvie, Shuvie Walter at MJ and Cabo.
34:23Kasama rin sa mga maagang dumating ang ilang sparkle artist at content creators.
34:27Spotted din sa blue carpet si Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, GMA Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso.
34:36Hanggang ngayon ay patuloy na nagdatatingan ang mga kapuso stars and celebrities.
34:41I hope they really make it though because I believe we have a strict cutoff at 7.30.
34:53And that's my chica this weekend. Ako po si Nelson Canlas. Back to you, Ivan and Pia.
34:57Thank you, Nelson.
35:01Salamat, Nelson. At yan po ang mga balita ngayong Sabado para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
35:09Ako po si Pia Arcangel.
35:10Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
35:15Nakatoto kami 24 Horas.