00:00Nasa The Hague, Netherlands muli.
00:02Ngayon si Vice President Sara Duterte para bisitahin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:08na nasa kustodiyan ng International Criminal Court.
00:11Inalmahan ng BSE ang pagtulong ng ating gobyerno sa mga gastusin para sa mga witness ng ICC.
00:17May unang balita si Marisol Abdurrahman.
00:21Una, sinasabi nila walang ebidensya pero meron sila ngayong witnesses na kaya naman nila pala bayaran yung pagbabiyahe.
00:29Ito ang reaksyon ni Vice President Sara Duterte sa pagtulong ng gobyerno sa gastusin ng mga saksing haharap
00:35sa International Criminal Court laban sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:41Hinihingan namin ang reaksyon si Justice Secretary Jesus Crispin Raymullia
00:44pagkaman dati na niyang nilinaw na ang ibibigay lamang ng gobyerno ay yung para sa siguridad ng mga saksi
00:50at hindi ang pagbiyahe patungo sa The Hague.
00:52Tinanong din ang BSE hinggil sa sinabi ni Pangulia tungkol sa mga ebidensya laban sa dating Pangulo.
00:57Kaya nga umabot sa ICC ito eh. Kasi dito binura na lahat ng pwedeng burahin eh para hindi matuloy yung mga kaso.
01:05Ang komento dito ng BSE.
01:07Gawa-gawa. Gawa-gawa talaga na ebidensya at yung ibang ebidensya nila meron din tayong ebidensya na kinuha yun
01:16by force or intimidation or harassment of individuals.
01:20So makikita din natin yun. Soon, very soon.
01:27Hiningan namin ang pahayag ang Justice Department, kaugnay niyan.
01:31Nasa The Hague muli ang BSE para dalawin ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:36na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa ICC.
01:39Ayon mismo sa VP, ilang araw siyang mananatili roon.
01:42Si PRD, ipa-expound kung ano yung skin and bones. Payat siya at sobrang payat niya na hindi niyo pa siya nakita na ganito kapayat.
01:53Siguro nakita ko siyang ganito kapayat nung binata pa siya at sa photo.
01:58Hingin naman sa sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na tigilan na ang pamumulitika, sabi ng BSE.
02:03Siguro tumingin siya sa salamin, no? Magsinasabi niya yung staff na ang pamumulitika
02:08kasi sila yung namumulitika. Ang ginagawa lang namin lahat ay sumasagot kami, di ba?
02:14Wala naman kami ginagawang atake. Sa amin lahat ay sagot at depensa.
02:20So silang tumigil.
02:21Muling iginiit ng Malacanang na wala silang kinalaman sa impeachment case laban sa BSE.
02:27Tugon naman ang palasyo sa balak ng defense team ng dating Pangulo
02:30na isumitis sa ICC ang report ng Senate Committee on Foreign Relations
02:34na nalabag-umano ang karapatan ng dating Pangulo nang siya ay arestuhin.
02:39Baka maging negatibo pa po sa kanila.
02:43Kung makikita po siguro ang pag-iimbestiga doon at makikita kung paano ito ginawa,
02:49siguro hindi naman po bulag ang ICC judges para makita kung ano ba talaga yung maaaring naging katotohanan dito.
02:54Ito ang unang balita. Marisol Abduraman para sa GMA Integrated News.
Comments