00:00Samantala, mga tagat Quezon Province naman ang susuyuin ng Alianza para sa Bagong Pilipinas Senatorial Candidates sa darating na Biernes.
00:08Inaasang mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mangunguna sa kanilang campaign rally.
00:14Yan ang ulat ni Mela Les Moras.
00:18Kasado na ang panibagong campaign rally ng Alianza para sa Bagong Pilipinas sa lalawigan ng Quezon sa Biernes.
00:26Mahalaga ang pangampanya roon ng mga pambato sa pagkasenador ng administrasyon dahil isa ito sa may pinakamalaking populasyon sa bansa at ma-influensya rin sa larangan ng politika.
00:37Ayon kay Alianza campaign manager Toby Tshanko, sisikapin nilang makuha ang tiwala at boto ng mga taga Quezon.
00:44Simple lang naman anya ang mensahe nila.
00:46Handa silang magsilbi hatid ang mga makabuluhang programa, responsabling pamuno at magagandang polisiya na tunay na makatutulong sa bansa.
00:55Bago naman ang campaign rally, tuloy-tuloy rin ang mga aktibidad ng senatorial candidates ng administrasyon.
01:02Si Makati City Mayor Abby Binay nagkaroon ng meet and greet kasama ang mga TODA member, market vendor, solo parents at iba pang civil society organizations sa Tuguegeraw City.
01:13Nagbalik sa ranggani naman si dating Senador Manny Pacquiao at nangako roon ng tunay na progreso.
01:19Habang si dating DLG Sekretary Benjur Abalos, abot kayang pabahay naman ang isinusulong.
01:26Kabi-kabilang pag-endorso at suporta naman ang natanggap ni Senador Bong Revilla mula sa iba't ibang grupo.
01:32Si Senadora Pia Cayetano nagkortisikol kay Quezon City Mayor Joy Vilmonte.
01:38Nakipagpulong naman sa iba't ibang sektor sa Rizal at Sambales si Senate Majority Leader Francis Tolentino.
01:45Si House Deputy Speaker Camille Villar nakakuha ng mainit na suporta sa bataan.
01:51Una na rin siyang dumalaw sa buhol.
01:53Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.