• last year
Imbes na pasyente, armas ang laman ng isang ambulansya na gamit ng PNP!

Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Alamin ‘yan kasama ang ating #KapusoSaBatas, Atty. Gaby Concepcion.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Basta usaping batas, hindi niya yan pinalalampas.
00:04Narito na si Atty. Gabby Concepcion, ang ating kapuso sa batas. Good morning, Atty.
00:15Na kung may ambulansya, malamang may emergency.
00:18Pero kakaiba ang nakita sa loob ng ambulansya sa operasyon ng PNP.
00:24Imbis na pasyente, mga armas ang itinagoy sa loob.
00:28Ginagamit pala ang ambulansya sa gun running.
00:32Nako ngayon, kabikabila pa nga ang mga emergency at rescue operations dahil sa bagyo.
00:39Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol sa paggamit ng emergency vehicles?
00:45Well, ask me, ask Atty. Gabby.
00:48Atty., ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa paggamit ng emergency vehicles?
01:01Mabigat po ba ang parusa kapag ginamit ito ng hindi naman emergency?
01:05Well, actually, officially, tatlong klase lamang ang type of emergency vehicles
01:10sa ilalim ng Republic Act 4136 or ang Land Transportation and Traffic Code.
01:16At ito nga ang mga ambulansya, mga fire truck, at mga sasakyan ng PNP.
01:22At ang mga emergency vehicles na ito ay may tinatawag na right of way.
01:27Ibig sabihin, pag nakakita kayo na may paparating na emergency vehicle,
01:31dapat ay tumigil, tumabi, at maghintay hanggang makadaan na ang mga vehicle na ito.
01:37And usually, malalaman mo na papadating sila dahil may ilaw at sirena silang ginagamit.
01:43Ayon sa LTO, may parusa na P1,000 kapag hindi kayo mag-give way sa mga emergency vehicle.
01:49Speaking of wang-wang at mga ilaw, pumirma si President Bongbong Marcos
01:54ng bagong administrative order na pinagbabawal ang paggamit ng wang-wang at ilaw
02:00at ang exempted lamang ay ang AFP, ang NBI, ang mga polis, at mga fire trucks, at mga ambulansya.
02:08Sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01,
02:12ang paggamit nito ng mga bawal na wang-wang ay may fine na P5,000
02:18at confiscation ng device o gadget in favor of the government.
02:22Wala kong alam na pagpapabigat ng parusa kung isang ambulansya ang ginamit sa isang krimen.
02:28But, as a general rule, ang paggamit po ng isang sasakyan in the Commission of the Crime
02:33ay tinatawag na isang aggravating circumstance.
02:36Ibig sabihin ay nagpapabigat ng penalty ng kulong sa isang kaso.
02:41Of course, hindi natin alam kung papano at bakit nagamit ang ambulansya sa isang krimen
02:47pero mukhang magkakaproblema ang ambulance provider na yan unang-una.
02:51Dahil siya ay ginamit sa isang krimen, malamang may impound muna ang ambulansya in the meantime.
02:57Pangalawa, ang isang ambulansya ay may special license to operate mula sa DOH.
03:02Baka ma-revoke ang license to operate? Malamang ma-re-revoke.
03:06At malamang grabe ang pag-eksplika sa presinto kung bakit at paano nasangkot ang ambulansya sa isang krimen.
03:15Ang tanong, para naman po sa mga may nakakasabay na emergency vehicles sa kalsada,
03:20may parusa po ba sakaling hindi mag-giveway o makasagabal sa mga emergency vehicles?
03:26Nako, ito nga ay tinatawag na failure to yield a right of way to ambulance, police or fire department vehicles.
03:33Pag sila ay on official business at nagpaninig na ng sirena o wang-wang,
03:38ito po ay parang reckless driving at may fine nga na hanggang P1,000 sa first offense.
03:45Second offense, bas mataas na ang penalty, P1,500 at may suspension ng driver's license for two months.
03:52Third offense, P2,000, suspension ng lisensya ng hanggang 6 na 1.
03:58Pagkatapos nun, nako revocation na talaga ng lisensya at pag umabot kayo dun, dapat talaga ay i-revoke na yan.
04:06Pero ang pinaka-importanting tandaan, talagang sumunod sa mga rules na ito at mag-giveway sa mga emergency vehicles,
04:13lalo na nga sa mga ambulansya at mga firetruck.
04:17Hindi natin alam, the life you save may be yours.
04:21Sa mga usaping batas, bibigyan po nating lino dyan para sa kapayapaan ng pag-iisip.
04:27Huwag magdalawang isip.
04:29Ask me.
04:30Ask Attorney Gav.

Recommended